I LOVE YOU BOSS
"I could not tell you if I loved you when the first moment I saw you. Maybe it was the second?
or third or fourth? But I remember the first moment I looked at you. I realized that somehow
the rest of the world seemed to vanish when I was with you." ---- Cassandra Clare
"Yie... Kinikilig ako..." Sabi ko sa aking officemate, halos umiinit na mukha ko sa sobrang
kilig nagwiwiggle pa ako.
"Sus!, mas gwapo pa ako dyan!" Pagkokontra niya sa akin.
"Ano ka ba pasira ka naman ng moment, kasi naman sinong hindi kikiligin sa kaniya, ang gwapo
gwapo, tapos tapos!" Parang pinipilipit lang sa sakit ang aking pagkakilig na sagot kong muli
sa kaniya.
"Banana cue lang yan sobra ka ng kinikilig?" Nakakunot noong tanong niya sa akin at sabay nag
cross arms at sumandal sa upuan ng visitors chair ko.
Paano kasi for the first time in history binigyan ako ng crush ko ng banana cue. Sinong bang
hindi kikiligin doon?
"Hay nako! Ang KJ mo naman, minsan lang ako magka-crush ehh..." Pagirap ko sa kaniya kasabay
ng kinikilig pa din na usal ko.
Nabigla ako ng tumayo siya at walang paalam na umalis.Tinitigan ko lamang ang likod niya
habang unti-uniting lumalayo sa kinaroroonan ko. 'Tingnan mo yun bigla nalang aalis, anong
problema niya?' Usal ko sa aking sarili.
"Oy! Mr. Ford Mark Lopez! Saan ka pupunta?!" Pasigaw na habol ko sa kaniya. Ngunit parang
walang narinig. Ano ba yan galit ba siya? Ano ginawa kong masama? Tanong kong muli sa aking
isip. Nagkibit balikat na lamang ako at muling naalala ang binigay na banana cue ng aking
crush ng makita kong muli ito sa table ko. Para akong nanghina sa sobrang kilig na
nararamdaman ko. Alam ko na OA, pero anong magagawa ko? SObra ko talaga siyang gusto.
The next day...
Habang nagmamadaling naglalakad patungo sa aking cubicle, isang malagum at nakaaantig na boses
ang aking narinig. Tinawag nito ang aking pangalan na siyang naging dahilan upang agad ko
itong lingunin. Everything moves slow, parang nasa pelikula kapag nakikita nila ang kanilang
crush. May parang mga lumilipad pang petal flowers, habang hinahangin ang kaniyang mga buhok.
Nashock ako sa aking nasilayan, ang panga ko, kung nahuhulog lang siguro kanina pa nahulog.
Yung crush ko. Yung crush ko tinatawag ako. Naghuhurumentado na ang akin puso, parang may
kumikiliti sa aking ligod paakyat sa aking leeg.
"A-ah H-hello Sir!" Napipilitan kong ngiti sa kaniya at nabubulol na bati sa kaniya.
Nagpipigil din kasi baka mapasigaw ako sa kilig.
Ngumiti siya at lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Nakita ko muli ang dimple niya sa
kaliwang pisnge. Nagpapagwapo lalo at sobrang nakakaatract. "Can you come to my office before
Lunch break?" Sa sinabi niyang iyon, naramdaman kong uminit ang aking mukha. Totoo ba ito? O
nanaginip lamang ako? Kung panaginip ito wag na sana akong magising.
Nakatingin lamang ako sa kaniya at hindi makasagot sa mga katagang sinabi niya. Sobra na
talaga akong nahuhulog sa kanya ang sarap pagmasdan ng mga ngiti nya. Hindi ko namalayan
nakatitig lang ako sa kaniya to the point na parang tinutunaw ko na siya.
Napahagikhik siya na mas lalong kinainit ng aking mukha. "Ms. Yumi, yung bibig mo..."
"A-ayy! S-Sorry Sir!" Yumuko ako, dahil sa kahihiyang ginawa ko. Akala ko nakatingin lang ako
sa maamong mukha niya. Hindi ko napansing nakanganga na din pala ako na parang nakakita ng
masarap na pagkain.
Agad akong nagpaalam sa kaniya upang makahinga sa kahihiyang iyon,"Sige Sir pupunta ako before
Lunch." Tumakbo ako agad palayo sa kaniya, hiyang hiya ako gosh! Yung beauty ko nasira sa
nangyari.
Nakarating na ako sa aking table, at yung puso ko hindi pa din tumitigil sa paghuhurumintado.
Umupo ako at hinawakan ang aking dibdib upang pakalmahin. Naalala ko bigla....
Una ko pa lang siyang nakita crush ko na siya, yun bang tinatawag nilang Crush at First Sight,
nag-aapply pa lamang ako sa opisinang ito. Siya yung nag interview sa akin halos hindi ako
makasagot sa mga tanong nya dahil na didistract ako. Pati nga kung paano siya magsalita
napaka-smart, tipong maiindimidate ka sa kaniya. Iyong araw din na iyon nagti-twinkle tiwinkle
little star ang mga mata ko. Sobrang nabighani kasi ako sa taglay niyang kagwapuhan.
"Yumi! Oy! Yumi?"
Isang pamilyar na boses ang tumatawag sa akin, nasa kalagitnaan pa ako ng panaginip ko habang
gising. Hindi ko pa din ito pinansin sa pagaakalang baka guni-guni ko lamang iyon.
"Yumiko Shane Ramirez!" Pumantig ang tainga ko sa sumigaw ng buong pangalan ko. Naiirita ako
dahil naabala niya ang pagde-day dream ko. Agad ko siyang sinagot at tinanong ng masungit kung
anong kailangan niya ng hindi lumilingon sa kaniyang gawi.
"Umagang umaga tulala ka!" Seryosong usal ng babaeng. Hindi ko pa rin siya makilala dahil yung
utak ko lumulutang sa kawalan. Mukha ng crush ko ang nakikita ko.
"Ughhh!! You're ruining my moment, nananaginip pa ako!" Iritableng tugon kong muli sa kaniya.
"Now I know kung sino yang tumatakbo sa isipan mo." Natatawang sabi ng babae.
"Ano ba kailangan mo at andito ka?" Dismayadong tanong ko sa kanya dahil sa pagputol sa
panaginip ko.
"Oh!! mga applicant papers po!!" Padabog na inilagay niya sa lamesa ko.
Sasagotin ko na sana ng agad akong natauhan ng nilingon ko ito. Si Madam Shee pala, isa sa mga
officemates ko na nagfa-file ng mga papers na dapat kong pirmahan araw-araw.Humingi ako agad
ng tawad sa nagawa ko."I'm soo sorry, I didn't know that it's you. Wag ka nang magalit ok?"
Ngumiti ako ng matamis upang mawala ang galit niya.
"Ay hindi, hindi ako galit, Angry lang!" Sarkastikong tugon naman niya sa akin. Ilang sandali
lang magsasalita sana ako kaso bigla ulit siyang sumingit.
"Sa susunod, kung mananaginip ka kay Mr. Crushie mo wag mong dalas dalasan ha? Nakakaabala sa
trabaho!" Parang isang ina na sinesermonan ang anak na nagkamali. Bumuntong hininga ako upang
maibsan ang pagkaguilty ko, at agad nagdahilan. "Ma'am naman, alam mo naman hanggang panaginip
nalang ako nakaka-tyansing sa Crush ko, wag mo ng pigilan." nNkangiting sabi ko sa kanya.
"Ayy ewan ko sayo magtrabaho ka na dyan!" Masungit pa din na tugon sa akin..
Bago siya makalagad at lumayo sa aking table agad ko siyang sinunggaban ng yakap na parang
batang nagmamakaawa para patawarin. Parang nanay-nanayan ko na din siya sa opisang ito. Kaya
sanay na siyang ginagawa ko ang ganito sa kaniya."Ma'am sorry na hindi ko naman kasi alam na
ikaw pala yan, peace na tayo ha??"
Inismidan niya lamang ako at agad na sinabi."Ay ewan ko sayong babae ka!" Nag puppy eyes na
ako para lang maawa sa akin, na alam kong hindi niya ako kayang matiis.
Agad gumaan ang ekpresyon ng kaniyang mukha at agad ngumiti ng matamis."Ok! Ok! Sige na
magtrabaho na tayo, for sure kahit anong sabihin ko walang epekto sayo baliw kana eh..."
Oras ng trabaho, hindi ako mapakali, excited akong dumating ang lunch break. Minu-minuto
tumitingin ako sa aking wrist watch. Naiinip na ako.
After many hours past.....
Tumingin akong muli sa aking relos ng matamlay. Pakiramdam ko ay hindi pa din oras ng lunch.
Ngunit lumaki ang mga mata ko ng makita kong ang dalawang paa ng orasan ay saktong nakaturo sa
numerong 12. Biglang lumakas ang tibok ng aking puso, at ang dugo kong natutulog kanina ay
naramdaman kong nabuhay. Ano kaya ang sasabihin niya? Siguro aaminin na niya sa akin na gusto
nya din ako. Naku Sir pakipot kapa eh.
Muling may tumawag sa pangalan ko. Napatalon ako na inakalang bumaba si Sir para sunduin ako.
Nilingon ko ito agad ng may kaba. Ngunit napalitan ito ng pagkadismaya ng si Ford ang aking
nakita.
"Ohh..hindi kana galit?" Malamig na tanong ko sa kaniya. Agad naman siyang sumagot na parang
nagmamaang-maangan sa ginawa niya nong isang araw. "Ha? Sinong galit?" Pagtatanong niya sa
akin habang nakanigting parang aso.
"Nagmamaang-maangan kapa dyan! Bigla mo kaya akong iniwan, kainis ka!" Tinitigan ko siya ng
matalim at nagtatampo sa kaniya habang nakacross arms at sumandal sa aking swevel chair.
Ngumiti siya na para bang natutuwa sa pagkainis at tampo ko sa kaniya."Hindi ako galit, may
gagawin lang talaga ako, halika treat kita ng lunch pambawi ko sa nangyari" Agad kong binawi
ang matalim na tingin ko sa kaniya at ngumiti ng nakakaloko.
"Talaga? Ililibre mo ako?" Pagkukumpirma ko pang muli sa kaniya. Tumango lamang siya bilang
tugon sa aking tanong. Tatayo na sana ako upang sumama sa kaniya ngunit bigla kong naalala na
pinapupunta nga pala ako ni Sir John sa kaniyang opisina. Nanghinayang ako dahil minsan lang
magyaya itong baliw na ito. Pero siyempre may next time pa naman ata? Yung kay sir ang baka
hindi na maulit kapag hindi ko pinuntahan iyon. Saka may sasabihin pa siya sa akin. Aaminin na
niyang gusto niya ako.
"Oo nga pala! Naku dapat kaninang umaga kapa nagsabi." Nalulungkot na sabi ko sa kaniya.
Kumunot saglit ang kaniyang noon at agad na nagsalita."Himala tinatanggihan mo na ang libre,
ikaw ba yan?" Sabi niya sa akin sa mapangasar na tono.
"Oy! Hindi ahh... Ako pa magpahuli sa LIBRE excuse me? May nauna lang talagang mag-aya ng
lunch, pero syempre kahit sabay kayong nagsabi siya pa din ang pipiliin ko" Muling kinikilig
na sabi ko kay Ford.
"Ahh I see.. Ok wala naman akong laban diyan." Usal niya sa akin at naglakad na paalis, hindi
ko alam pero parang bigla siyang nalungkot. Binaliwala ko lamang iyon, baka feeling ko lang
yun at napaparanoid.
Tumayo na ako sa aking table at naglakad patungo sa kaniyang office.
Ok! Heto na ako naglalakad papuntang office room ng crush ko, grabi kinikilig ako. Yumi
behave! Babae ka, relax! Kailangan pa-demure ka muna. Huminga ako ng malalim, Inhale......
Exhale.....
Nang makarating ako sa tapat ng pintuan ng aking crush agad akong kumatok. "Tuloy..." yung
puso ko parang may kabayo sa loob, boses palang niya hindi na ako makahiga.Pinihit ko ang
doorknob at tuluyan ng nakapasok sa loob.
Ngumiti ako ng napakatamis at binati siya. "Good afternoon Sir..."
"Buti naman dumating ka, akala ko hindi ka pupunta" Usal niya sa akin.
Agad ko itong sinagot. Bakit naman ako hindi puputan? Isa pa sa bait niya. "Syempre Sir
pupunta ako! Boss namin kayo hello?! Hindi ko naman pwedeng tanggihan yun, saka gusto ko
kayo!" Nabigla ako sa lumabas sa aking bibig at agad kong tinakpan ang aking bigbig.Lumingon
ako sa kinauupuan niya. Nakita ko reaksyon nya na parang nabigla sa sinabi ko. Sino nga ba
naman ang hindi mabibigla doon? Ang tanga mo talaga Yumi!
"A-a-ahh gusto ko kayong a-a-ano, hindi madisappoint! Oo tama gusto ko kayong hindi
madisappoint" - Shocks! Pinagpapawisan na ako ng malamig, maniwala kana! Ngumiti siyang muli,
ayyiie ang gwapo, kung hindi lang nakakahiya kanina pa ako nagtitili dito sa kilig.
"Ayaw mo bang umupo?" Sabi nya.
"Ah! ano po?" Tanong ko sa kaniya. Ayy! Ang tanga mo talaga Yumiko Ramirez sabi umupo ka
syempre maguusap kayo naku naku naman po pangalawa na ito!
"Ay! Sorry Sir na carried away lang, salamat po." Pagpapaumanhin ko at umupo na ako sa
visitors chair nya.
"Ano po palang dahilan at pinatawag nyo ako" Heto na aaminin na niyang gusto nya din ako. Sir
sasagutin na kita agad kapag sinabi mo yun.
"Ahh actually pinatawag kita to have lunch in here" Parang kabado si Sir mahirap bang aminin
na gusto niya ako, pakipot pa kasi.
"Ganun ba sir, wala kana ba ibang sasabihin?" Tanong ko.
"A-ano kasi...." Hala ito na, this is really really it! Aaminin na nya, nagpipigil ako
maghinga baka talagang mapatili ako. May kinuha siya sa drawer ano kaya yun, nakita ko
isang--- Ha?! Ring box?! Grabi na itech magpropropose na agad sa akin.
"Yumi--" Malambing na sabi niya sa akin, hayyy parang any moment mahihimatay ako sa nakikita
ko.
"Sir?" Sabi ko at again nagti-twinkle twinkle little eyes na naman ako.
"Don't call me Sir." Wow ayaw na nyang tawagin ko siyang Sir, ano kayang magandang itawag sa
kaniya. Babes? Hindi ang pangit parang baboy, ehh kung Honey? Ang sweet naman na masyado. Aha!
Alam ko na! Mah labs! Tama! Yun ang magandang itawag ko sa kaniya.
"Ahh Sir ano naman gusto mong itawag ko sa inyo?" Pagtatanong ko kunwari inosente.
"You can call me John" Ha? Ayaw nya bang may tawagan kami. Sabagay simula palang naman ito at
saka ang tagal naman nyang ibigay yung ring, excited na ako.
"John Kristof Avecilla" Pahabol nyang sabi sa akin, bakit kailangan pa nyang buohin alam ko na
naman buong pangalan nya. Siya ba naman ang Quality Control Manager.
"Sir, I mean John, bakit mo naman gustong tawagin kita sa pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Ikaw lang kasi malapit sa akin dito sa office, lahat sila takot akong kausapin, dahil sa
position ko bilang QMR" Sabi niya sa akin na ngayon seryoso na.
"Ahh yun ba? Ano ba nakakatakot sa position mo? Wala naman eh" Tumatawang sabi ko sa kaniya.
Naiinip na ako hindi pa din niya binibigay yung singsing.
"Can you look at this?" Sabay inabot yung ring box. Ayun! Binigay din, ayyie alam ko para sa
akin ito. Binuksan ko ito at alam ko naman na singsing ang laman.
"Singsing?!" Echos lang na nabigla sa nakita. Kung pwede lang magtatalon sa tuwa.
"Yes it's a ring, maganda ba?" Tanong nya ulit.
"Oo naman sobrang ganda, para kanino ba ito?" Yung puso ko may mga tumatakbo ulit na kabayo.
"That ring..." Tumingin siya ng deretso sa akin totoo na ito, this will be my happiest day
ever!
"That ring is for my one and only love, and I want to marry her." Hala para akong hihimatayin
totoo na ito nagpropropose na siya sa akin.
"She's my girlfriend named Hana Kim" Ngumiti siya at kitang kita na mahal nya yung girl kung
sino man iyon. Napanganga ako, akala ko this will be my happiest day, sadest pala. Biglang
parang nabuhusan ako ng malamig na tubig na punong puno ng yelo. Hindi pala para sa akin,
napaka assumera ko!
"A-ahh ga-ganun ba? Maganda, magugustuhan niya ito" Napipilitan akong ngumiti at isinara ang
ring box. Binalik ko na sa kaniya, ang sakit assumera ka kasi Yumiko. Ang ganda nang mga ngiti
niya na parang excited.
"I will give that ring to her after office" sabi niya ulit. Ouch! Tama na ang sakit!
"Tha-that's great!" Napipilitan ako ulit na ngumiti sa kaniya. Gusto ko ng lumabas ng kwartong
ito, gusto kong umiyak kaso ayaw nya pa akong paalisin, kakain pa daw kami.
Mga 10mins tinapos ko agad yung food na binili nya at nagpaalam na. Ang sakit-sakit ehh kitang
kita ko na sobrang saya nya at excited para mamaya.
Lumabas ako ng office tutal may 30mins pang natitira, pumunta ako sa parang mini park ng sa
compound nitong office. Buti nalang walang tao, umupo ako sa isa sa mga bench doon, hindi ko
na napigilan tuluyan ng bumuhos ang luha sa mga mata ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko,
bwisit! Akala ko ako na yun eh!
"Ang tanga mo Yumiko, akala mo ikaw na yun!" Sabi ko habang humahagulhol ako sa pagiyak. May
biglang nagabot ng panyo sa harapan ko, pagangat ko ng ulo si--
"Masyado ka kasing nag-assume!" Sabi niya sa akin habang nakatayo pa din sa harapan ko at
hawak-hawak ang panyo na ibinibigay sa akin.
"Ford? Kanina kapa ba dyan?" Kinuha ko yung panyo at pinunasan ko mga luha ko saka siningahan
ang parteng gitna.
"Oo nagising nga ako eh kasi may maingay na babaeng umiiyak" Bwisit na ito nag eemote na nga
dito inaasar pa ako. Umupo siya sa tabi ko at hinimas ang likod ko. Teka lang paano nya
nalaman na nagaassume ako.
"Hoy! At paano mo nalaman na nagaassume ako?" Tanong ko sa kaniya.
"Kita naman sa iyo, patay na patay ka doon, marami namang iba dyan na mas gwapo sa kaniya"
Sabi niya sa akin na nakatingin sa malayo.
"At sino naman yun? Ikaw?" Tinuro ko siya at sabay tumawa ng malakas.
"Gwapo naman talaga ako, bulag ka lang.." Napahinto ako sa pagtawa, ano ibig niyang sabihin
doon.
"Ikaw? Gwapo? Hmm hindi na din masama.." Napapangiting sabi ko.
Sa totoo gwapo naman talaga siya ang dami ngang may crush sa kaniya, napagkamalan pang kaming
dalawa ang mag syota dahil every office break pumupunta siya sa table ko para ano? Tumambay at
makipagkulitan. "Ohh..panyo mo salamat" Iniaabot ko yung panyo.
"No it's ok sayo na iyan." Ok bahala siya akin na ito.
"Halika na baka malate na tayo" Pag kukumbinsi niya sa akin at itinayo ako.
"Woah! First time in History magkakasabay tayong pumasok sa office, nako for sure mga babae mo
magagalit na ng tuluyan sa akin." Natatawang usal ko sa kaniya.
"Halika na!" Naiiritang sabi niya sa akin.
Naglalakad na kami dito sa hallway ng office napapakunot ako ng noo at lahat ng empliyadong
makasalubong namin bumabati ng good afternoon sa lalaking ito, Manager din naman ako pero
hindi ako binabati ng ganyan.
"Hoy! Lalaki, bakit ikaw binabati nila ako hindi? Manager din ako ah?" Ngumiti siya sa akin
sabay hinila ang kamay ko, aba tyansing na ito ah!
"Bitawan mo nga ako" Hinila ko ang kamay ko at naglakad paunahan sa kaniya.
"Diyan kana babalik na ako sa pwesto ko. Bye!" Masungit na paalam ko.
Ayun back to normal subsob na ulit sa work pinilit kong makapag move on kay sir John, sa ganda
kong ito tama si Ford marami pang iba dyan.
At ito pa si Ford nadadalas na ang panglilibre sa akin ng Lunch at gusto nya sa table ko
parating kakain, badtrip na iyon lakas tama! Pwede namang lunch out ayaw.
Oo nga pala, ang tagal ko na dito sa office almost 11mos. na mag-iisang taon na din pala,
hindi ko pa rin alam kung saan table ng Ford na ito.
"Hoy!" Tawag ko sa kaniya.
"Ano?" Sagot niya habang sinusubo yung mamii na binili niya para sa aming dalawa.
"Saan pala ang table mo? Tagal na nating magkaibigan hindi ko pa alam kung saan iyon, doon
naman tayo sa susunod kumain, nahihirapan na akong linisin ang table ko"
Bigla siyang nabulunan sa tanong ko.
"Oh tubig, sa susunod kasi nguyain ang pagkain bago lumurin." Tumatawa akong binigay sa kaniya
ang tubig.
"If you want, ok doon tayo bukas kakain tutal friday naman iyon" Tugon niya sa tanong ko.
"Oy teka paano ako pupunta doon hindi ko nga alam office table mo, badtrip ka" Sabi ko sa
kaniya habang sumusobo na din ako ng sabaw ng mamii.
"Ano ka bata para sunduin ko?" Pang-aasar na tugon nya.
"Bwisit ka! Syempre dapat lang na sunduin mo ako laki ng office na ito paghahanapin mo ako,
magutom pa ako sa paghahanap" Pagpapaliwanag ko.
"Ask your other officemate, and they will tell you where, don't worry hindi ka maliligaw"
tumatawang sabi niya sa akin, badtrip talaga!
"Yes Sir!" Sarkastikong sagot ko sa kaniya..
Ngumiti siya sa akin and all of the sudden parang bigla akong nakuryente sa puso. Ha? Ano
iyon? Bakit biglang may kabayo ulit sa puso ko.
Kinabukasan......
Ito na, lunch break kailangan ko ng hanapin ang office table ni Ford, gusto pa kasing
pahirapan ako langya.
"Ma'am Shee" Tawag ko sa kaniya habang nakaupo siya sa table niya.
"Oh? Naligaw ka ata dito?" Naka kunot na tanong niya sa akin.
"Ahh ano kasi si Ford, hinahanap ko table office niya baka alam mo kung saan pakituro naman sa
akin" Tugon ko naman sa kaniya. Bigla siyang napatawa ng malakas na ikina-kunot ng noo ko.
"Ok sorry, doon sa Top floor sa dulo ang nagiisang Room yun doon" Tugon ulit niya sa akin na
medyo natatawa. May nakakatawa ba sa tanong ko? Hindi ko na siya pinansin at sinunod ang
rutang sinabi niya, sumakay ako sa elevator at sa top floor daw.
2nd floor
3rd floor
4th floor and so on and on, hanggang makarating ako sa 20th floor...
Wait... Bakit ngayon ko lang naisip? Noong unang pasok ko dito sabi nila ang top floor andun
ang office ng mga Board of Directors and the President? Ibig sabihin si Ford isa sa board of
director? Hindi halata, badtrip siya hindi man lang nagsabi sa akin! Makukuha nya once na
makarating na ako sa office niya.
May nakasalubong akong babae mukhang secretary ng isa sa mga board.
"Good afternoon Miss, saan room dito ni Mr. Ford? " kumunot bigla ang noo niya. Bakit? Ano
nagawa ko sa kaniya, masama na pala magtanong ngayon o baka naman may gusto ito sa lalaking
iyon, ahh pwede pwede.
"Seriously? You don't know the office of Mr. Ford Mark Lopez?" Tanga ba siya o nagtatanga
tangahan? Magtatanong ba ako kung alam ko.
"Hindi eh, saan ba dito?" tanong ko ulit.
"Just walk straight of this hall, makikita mo yung nagiisang pinto sa dulo" Masungit na sabi
nung babae, nako may gusto nga sa kaniya, pasensya sya akin si Ford.
Ha? Ano ba iniisip mo Yumi baliw ka, makapaglakad na nga gutom na ako, mababatukan ko talaga
siya kapag nakita ko na siya, sobrang layo ng kwarto.
Hayyyyy sa wakas andito na din ako hindi na ako kumatok deretso na akong pumasok sa kwarto
niya bwisit sya!
"Hoy! Ford Mark Lo~~~" Napahinto ako sa nakikita ko ngayon, tama ba nakikita ko?
"Oh! Andyan kana pala" Nakangiting sinalubong ako.
Tinitigan ko siya, anong meron? Kinakabahan ako yung puso ko may tumatakbo na namang mga
kabayo mas marami na sila ngayon, ang bibilis. Tapos yung tiyan ko parang may mga paru-parung
nagliliparan.
Tumingin ako sa table niya na napaka laki, nakalagay doon ang isang maliit na bagay na may
nakasulat "Mr. Ford Mark Lopez Office President and Owner"
Lumaki ang mga mata ko, siya ang president at owner? Totoo ba ito?
"Sorry for not telling you, baka kasi kapag sinabi ko lumayo ka" Sabi niya sa akin na
nakangiti pa din.
Tinititigan ko siya habang nakakunot ang noo ko, hindi ko pa din maabsorb ang nalaman ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papuntang isa pang room, sumalubong sa akin ang
isang dining table na nakaset na parang sa Date ng mag-syota. Binitawan niya ang pagkakahawak
sa kamay ko at naglakad papunta sa table.
Sa harap ko may mga petals ng rose nakashape siya ng heart at sa loob nakasulat "Ms. Yumi
Shane Ramirez, will you be my girlfriend". Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
Please wake me up Lord if this is not real. Oo inaamin ko this past few months nahuhulog na
ako sa kaniya pero unsure pa din.
"Maybe lets eat, halika?" Lumapit siya ulit at iniabot ang kamay niya.
Awtomatikong hinawakan ko ito, at naglakad kasabay niya papunta sa table. Naupo na kami
parehas, nakatitig pa din ako sa kaniya, inaanalyze ko sa sarili ko, do i love him or spur of
the moment?
"Don't worry I won't force you if you don't want" nakangiti pa din niyang sabi sa akin. Parang
bigla pakiramdam ko na dismaya ako sa narinig ko, pero yung puso ko nahihirapan na akong
huminga sobrang bilis ng tibok niya, parang excited na ewan, yung mga paru-paru hindi pa din
tumitigil sa paglipad sa loob ng tiyan ko.
"Totoo ba ito?" Pagtatanong ko sa kaniya, hindi ko din alam bakit sinabi ko yun.
"You think i'm fooling around all this days?" Nakakunot noong tanong niya sa akin. Tinitigan
ko lang siya ng blankong expresyon.Huminga siya ng malalim...
"Look Yumi, I don't know if you'll believed me, but.." Ngumiti ulit siya.
"I love you, and I don't know when this thing start start beating for you" Deretsong
nakatingin sa mga mata ko habang tinuro ang kaliwang dibdib niya. Ramdam ko na seryoso nga
siya, hindi ko napansin may pumatak na palang luha sa mga mata ko. Hinawakan ng dalawa niyang
kamay ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha, nakatitig lang ako sa mga mata niya.
Kapag pinakawalan ko pa ito, baka magsisi ako sa huli.
"I Love you Too Ford" At tuloy tuloy ng Pumatak ang luha ko, hindi dahil sa nagsisisi ako na
sinabi ko iyon kung hindi dahil sa tuwa, oo mahal ko na nga ang Taong ito.Yung ngiti niya
hindi maipaliwanag tumayo siya at itinayo din ako may isinuot siya sa leeg ko. Napalaki ang
mga mata ko, isang Diamond necklace. At hindi ko ine-expect hinalikan niya ako sa labi saglit
lang pero parang nakuryente ang buong katawan ko. Hindi ko na napigilan.....
Ngumiti ako ng makahulugan at....
"I Love You Boss!" Sinabi ko ang mga katagang iyan at grabi killer smile siya at niyakap ako
ng mahigpit.
Wed Jul 23, 2014 3:28 am by Yara Alonso