Do you love Reading? You are in a right place with us. Register and join book talks on our Bookworm hub.
 
HomeFAQRegisterLog in

Share | 
 

 25 Minutes - sjmcarmenta

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
sjmcarmenta



Sagittarius Female
Registration date : 2014-06-10
Points : 934
Reputation : 0

20140611
Post25 Minutes - sjmcarmenta



After sometimes I've finally made up my mind
She is the girl and I really want to make her mine;



Nagsimula ang lahat mahigit labing-isang taon na rin ang nakararaan. Naging magkaklase kami noong unang taon namin sa high school. Naalala ko tuloy noong unang araw ng pasukan, taong 2002. Tahimik lamang ako. Ni hindi nga ako napapansin ng karamihan. Ganun naman kasi talaga ako sa simula - walang kibo. Kapag tinanong mo ako, sasagot ako, pero hanggang doon lang iyon.



Pagdating ng recess, tumambay ako sa labas ng classroom namin. Doon ko siya pormal na nakilala. Hindi naman kasi ako nakinig nung isa-isang nagpakilala ang mga kaklase ko sa harapan. Kausap niya noon 'yung isa pa naming kaklase na kung hindi ako nagkakamali ay s'yang seatmate niya. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang monoblock chair na nakakalat sa labas ng room nang nilapitan nila ako.



"Hi, ikaw si Liam Caleb, 'diba?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Nagtaka ako kung paano n'ya nalaman ang pangalan ko, ngunit agad ko rin namang naalala na nagpakilala nga pala kami isa-isa sa harap ng klase. Siguro ay matalas lang talaga ang memorya niya pagdating sa mga pangalan.



Ngumiti lamang ako bilang sagot sa tanong niya. Nagpakilala rin naman siya at sinabing Hana Miyuki ang pangalan niya, at pagkatapos ay ipinakilala rin n'ya 'yung babaeng kasama niya na Dolly pala ang pangalan.



Lumipas ang mga araw, naging malapit ang loob namin sa isa't-isa. Naalala ko pa nga isang araw, tinanong niya ako kung bakla raw ba ako? Lagi ko raw kasing tinatakpan ng panyo ang bibig ko. Natawa na lang ako sa sinabi n'ya at sinabing mannerism ko lang talaga iyon. At saka ewan ko ba, parang masyado pa kasi akong isip bata noon.



Nagdaan ang ilang buwan at hindi ko namalayan na nahulog na rin pala ang loob ko sa kanya, pero dahil nga sa sinabi kong isip bata pa ako noon, eh hindi ko na lang binigyan ng pansin ang nararamdaman kong iyon. Hanggang sa napag-alaman ko na may gusto na rin pala siya sa akin. Ewan ko ba, pero bigla ko na lang s'yang iniwasan. Abnormal nga siguro talaga ako. Marami sa mga kaklase namin ang nagtatanong kung galit daw ba ako kay Yuki. Sinasagot ko naman sila ng 'Hindi', kasi hindi naman talaga. Kung bakit ko s'ya iniiwasan ay hindi ko rin alam. Siguro nahihiya lang ako. Peste kasing pagkamahiyain 'to at sa akin pa tumubo.



Umabot ng tatlong buwan ang hindi namin pagkikibuan. Ni hindi ko na nga matandaan kung paano kami nagkaayos basta namalayan ko na lang na nag-uusap na uli kami. Okay naman, kaso nahihiya pa rin talaga ako. Nasabi ko na sa halos lahat ng mga kaklase namin na may gusto ako sa kanya, pero sa kanya mismo hindi ko magawang sabihin iyon. Kung sana'y biniyayaan man lang ako ng kahit katiting na lakas ng loob, kaso hindi eh.



Hanggang sa natapos ang unang taon namin sa high school na wala namang masyadong magandang nangyari. Nung dumating ang araw ng bakasyon, hindi ko inakalang mamimiss ko rin pala s'ya. Naisip ko, ano nga bang nagustuhan ko kay Yuki? Maingay s'ya, madaldal, isip-bata rin katulad ko. Kung tutuusin, kabaligtaran s'ya ng mga hinahanap ko talaga sa isang babae, pero sa kabila nun, nagustuhan ko pa rin s'ya. Doon ko na-realize na hindi na lang pala simpleng pagkagusto ang nararamdaman ko para sa kanya. Mahal ko na s'ya pero hindi pa batid ng puso ko noon ang tawag sa pakiramdam na iyon.



Unang araw ng pasukan namin noon sa ikalawang taon namin sa high school nang mapag-alaman ko na nalipat pala ako ng section. First section pa rin sa Yuki, habang ako ay bumaba sa section three. Sa kagustuhan na makasama siya'y kinausap ko ang teacher ko kung pwede pa bang magpa-transfer uli sa section one. Mabuti nga at kulang pa rin ang bilang ng mga estudyante sa section na iyon kaya pumayag ang teacher ko na ibalik ako roon. Kung alam lang sana ni Yuki na siya ang dahilan kung bakit nagpabalik ako sa section namin.



Ilang beses akong nagtangkang umamin sa kanya, pero lagi akong nauunahan ng takot. Takot na baka hindi ko naman mapanindigan kapag tuluyan na nga akong umamin sa kanya. May isang beses nga na tinulungan pa ako ng isa sa mga kaibigan n'ya, pero wala rin nangyari. Siguro'y hindi nga talaga nakatadhana na maging kami.



Pagdating namin ng third year ay tuluyan na nga akong nalipat sa ibang section. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng mga taon. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nagkalayo ng landas pagdating ng college at hanggang sa gumraduate na kami, at ganap na akong naging nurse. Si Yuki naman, nabalitaan ko na nagtatrabaho na pala s'ya sa Maynila. Marami rin namang na-link sa akin na babae nung college. Marami rin naman akong nagustuhan. May ilan pa nga akong niligawan eh. Pero wala ni isa man sa mga babaeng iyon ang nakapantay kay Yuki sa puso ko. Hindi ko man naipakita o naipahalata sa kanya ang nararamdaman ko, pero totoong minahal ko s'ya at alam kong hanggang ngayon ay mahal ko pa rin talaga siya.



Dalawang taon bago kami magtapos ng college ay nabalitaan kong sila na pala ni Christian - isa sa mga kaklase namin noong high school. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko noon nung nabalitaan ko iyon. Naisip kong wala na talagang pag-asang maging kami. Bakit ba kasi ang duwag-duwag ko?



Ilang buwan matapos ang graduation namin ay nakatanggap ako ng text galing sa isang unknown sender. Nakakatawa nga kasi nagpakilala pang secret admirer ko raw ito. Para namang ang gwapo-gwapo ko upang magkaroon ng secret admirer. Pero hindi nagtagal ay napilit ko ring magpakilala ang unknown sender na ito. Hindi ko in-expect na si Yuki pala ito. Labis-labis ang panghihinayang ko ng mga oras na iyon. Napag-alaman ko kasi na first love pala niya ako. Parehas lang pala kami ng nararamdaman. Sabi n'ya, ilang beses n'ya raw tinangkang kalimutan ako pero sa tuwing sinusubukan n'yang gawin iyon ay napapanaginipan n'ya ako. Naawa ako sa kanya. Ramdam ko naman kasing mahal n'ya rin si Christian. Pero halatang-halata sa kanya na naguguluhan s'ya. Tutal, hindi rin naman ako sigurado kung mapapasaya ko ba s'ya, pinili ko na lang na magpaubaya. Sinabi ko sa kanya na kalimutan n'ya na lang 'yung kung anumang nararamdaman niya para sa akin, dahil wala rin namang kahihinatnan iyon. Masakit, oo, pero anong magagawa ko? May boyfriend na s'ya eh. Ayaw ko na rin naman kasing manggulo.



Ngayon, anim na taon na sila ni Christian. Hindi ko magawang maging masaya para sa kanila. Hindi ko naman kasi maipagkakailang nasasaktan pa rin ako. Sa mga taong nagdaan, ilang beses niyang sinabi sa akin na mahal n'ya pa rin daw ako. God knows kung gaano ko kagustong sabihin sa kanya na ganun din ang nararamdaman ko, pero kapag sinabi ko naman iyon sa kanya, anong manyayari? Anong gagawin n'ya? Hihiwalayan n'ya si Christian? Hindi naman ako ganun kasama. Tapos ano? Kapag hiniwalayan n'ya si Christian, magiging kami? Pa'no kung hindi ko mapangatawanan 'yung magiging relasyon namin? Pa'no kung hindi ko s'ya mapasaya kagaya ng pagpapasaya sa kanya ni Christian? Baka sa huli ay magsisi lang s'ya. Ayokong mangyari iyon, kaya sa tuwing tinatanong niya kung wala raw ba ako talagang gusto sa kanya, ang lagi kong sinasabi ay kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Mabuti na nga lang at sa text lang kami nakakapag-usap dahil kung sa personal, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at mayakap ko siya.



Medyo matagal na rin simula nung huli n'ya akong tinext. Siguro mga anim na buwan na rin. Ang totoo n'yan, kahapon narealize ko na wala pala talaga akong ibang babae na gustong makasama habang buhay maliban sa kanya. Dahil d'yan, isang desisyon ang ginawa ko. Ngayon, desidido na ako. Ipaglalaban ko siya. Ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para kay Yuki. Kung dati ay naduduwag akong gawin 'to, ngayon ay hindi na. Sinubukan ko s'yang tawagan sa number n'ya, pero mukhang nag-iba na s'ya ng numero. Nag-message ako sa kanya sa facebook, pero wala pa rin akong nare-receive na reply galing sa kanya. Mukhang hindi na siya nagfe-facebook. Hindi ako makakapayag na wala akong gawin. Kelangan gumawa na ako ng hakbang. Kanina ay maaga akong gumising pagkatapos ay pumunta sa kinaroroonan ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Nagtanong-tanong ako at napag-alaman kong wala na pala siya roon. Nanlumo ako sa nalaman ko.



Ano na'ng gagawin ko ngayon?



I'm searching everywhere to find her again
To tell her I love her
And I'm sorry 'bout the things I've done;



Masyado nang magulo ang isip ko kaya napagdesisyunan kong pumunta muna sa pinaka-malapit na simbahan upang magdasal at hingin ang gabay ng Diyos, ang kaso, pagpasok ko sa simbahan, nadurog ang puso ko sa aking nasaksihan...









"I, Hana Miyuki Alvarez, take you, Christian Castillo, to be my lawfully wedded husband, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part."



I find her standing in front of the church
The only place in town where I didn't search
She looks so happy in her wedding dress
But she's crying while she's saying this;

Boy I missed your kisses all the time but
This is twenty five minutes too late
Though you've travelled so far
Boy I'm sorry you are
Twenty five minutes too late.



-FIN-
Back to top Go down

 Similar topics

-
» Behind the scenes show on BBC7 in..uh..five minutes!
» The truth about our economy in 2 minutes
» [030000] Hyori - 10 Minutes MV [196M/ts]
» Lost explained in 3 minutes
» A few minutes of undiluted joy!]
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

25 Minutes - sjmcarmenta :: Comments

No Comment.
 

25 Minutes - sjmcarmenta

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Bookworm's Hub :: Aspiring and Guest Author's Lounge :: The Freelance Writer Corner-
Jump to: