Do you love Reading? You are in a right place with us. Register and join book talks on our Bookworm hub.
 
HomeFAQRegisterLog in

Share | 
 

 My attempts at writing

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
janis
Bookworm
Bookworm


Libra Female
Humor : I AM PRETTY, you could agree or be totally wrong!
Registration date : 2009-01-27
Points : 4043
Reputation : 12

20100207
PostMy attempts at writing

My (aherm) POEMS:



Title : ECHOES

You’re like a song that never ends, continues to linger;

You’re like a dream that doesn’t go away, asleep or even if I’m wide awake;

You’re like a curse, a curse that no antidote would be able to cure;

You’re like a mystery, a mystery I would and could never ever fathom;

You’re like a ghost that would seem to haunt me eternally;

You’re like a journey that will never end;

A song

A dream

A mystery

A curse

A ghost

A journey

But inspite of everything, of every single misery loving you causes me

My heart refuses to forget you;

This feeling, this love despite stupidity, doesn’t seem to wear out, doesn’t seem to falter;

refuses to die;

On the contrary, this love continues to live, to fight, to dream, to aim, to hope, to suffer,to sacrifice;

to live in eternal misery and thrive at every tear,every pain, every heartache;

As I was led to believe,

and as I truly believe,

I was born to love you



+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++



Title : VACUUM



There’s a place in me where your memory rests;

where your voice and laughter linger.

It is a place no one else ever occupied and nobody dared penetrate.

It is a place only you dominate,

a place where only the sweetest thoughts of you dwell and don’t seem to end.

It is a place where forever is really endless and always never ceases.

It is a place where, even if love dies, the heart refuses to say goodbye.

It is a place where a part of you will always be a part of me

for it is a place where you become me.


++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++


Title : Kaawa-awa

by janis de asis


i stared at you

you looked back

there was something in your eyes

suddenly you smiled

i was lost

my heart stopped beating

time stopped

the world stopped revolving

there were no words spoken

no vows exchanged

but i knew in my heart that was it

the real thing they so called love…

we were in love, weren’t we?

or at least i was…

and still am…’til now

but in vain, i waited

for you to make the first move

all my hopes were shut to nowhere

when we parted ways

and now you’re miles away

left alone with mem’ries

when will you be back is still uncertain

maybe tomorrow, next month, next year

maybe never…

but until that day comes I’ll be here

waiting and waiting and waiting

saving forever for you.


Last edited by janis on Tue Sep 28, 2010 5:34 pm; edited 2 times in total
Back to top Go down
http://janisluvj.wordpress.com

 Similar topics

-
» How do you get the courage to start writing?
» Politics too hot ! Other subjects, art, writing, photography
» Is my writing good or bad?
» Brett's attempts at painting
» Is Fable Writing a Dead Art?
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

My attempts at writing :: Comments

Re: My attempts at writing
Post on Sun Feb 07, 2010 5:39 pm by janis
Title : Para sa malalamig ang Valentines




“Malapit na pala ang Valentines Day. At ang touching na tanong sa mga single…
Do you feel any pressure right now? “

‘Twas an SMS sent by Bhibe while I was having breakfast earlier sa Tropical Hut sa Cubao (mag-plug daw ba ala commercial model). As usual I was alone co’z Thursday is my “Me Day”. Napangiti ako kahit mukha akong tanga. Kasi naman sanay na ako sa mga ganitong text tuwing may mga special occasions. Lagi na lang “questionable” kundi man “intriguing” ang pagiging single ko. Minsan nga nakakapikon na, ano nga bang masama maging single at 27? It’s as if being single is an ugly status, a plague, an indication that something might be wrong with you. Pero I am not at all bothered. Why should I? Hawak ko ang oras ko, wala akong iniintindi na kailangang pagpaalaman pa kung may mg amajor decisions akong gagawin sa buhay. And I could be whoever I choose to be with!
Minsan tinanong ako ng isang friend ko, hindi daw ba ako naiinggit sa ibang may mga ka-holding hands habang nag-mo-malling, sa mga couples na nagsusubuan ng pagkain, hindi daw ba ako naiilang minsan sumama sa ibang friends ko na may akay-akay or nakaakbay na bf tuwing may mga get-together…Hmmm…I wouldn’t say na naiinggit ako, pero nagwo-wonder naman ako minsan kung paano nga ba ang buhay ko if I’ve entered coupledom. Masaya kaya ako? Malambing na gf? Selosa? Demanding? Nagger? Well, naiisip ko din naman ang mga ganitong bagay…paminsan-minsan nga lang! (Hehehe)

Comment naman ng mga friends ko kaya hindi daw ako nagb-bf e dahil choosy ako (we had conversed sa YM:)

malen: ang choosy mo ha
janis: basta…
janis: may darating pa naman ata
janis: baka na-traffic lang…
malen: lol
janis: kaya wait lang tayo ng konti
janis: male-late lang sila
malen: hahah
malen: sobrang late na kaaaayaaaaaaaa
malen: hahahhha

eto pa …


irene: napaka – pihikan naman!
janis: hndi naman…no magagawa ko wla akong makita
irene: wag ka kasi maghanap
irene: yung sa akin dumating na lang
janis: wala na sigurong darating…
janis: mukhang sobrang late na…hehhe
irene: anu ka ba
irene: bata ka pa!
janis: hindi late lang ung darating…na-traffic ata
irene: haha

Pero baka nga sobrang late na at hindi ko na namamalayan ang oras? As if on cue, tumugtog pa ung Mojofly song sa background, di ko alam kung tinatakot or pinapa-guilty ako :


“Laging bigo laging sawi sa pag ibig
Minamalas o kay sakit
May balat nga ba ako sa pwet
Gusto ko lang maranasan umibig
Tamaan ni kupido
Gusto ko lang maranasan ang langit
Tumibok muli ang puso ko
Tumatakbo ang oras naiiwan na ako
Ng panahon“

Nakaka-pressure nga bang maging single? Hindi naman para saken. At choosy nga ba ako? Feeling ko hindi naman. Minsan nga tinanong ako ni nanay kung hindi daw ba ako natatakot tumandang dalaga, na hindi daw ba ako takot or nalulungkot dahil mag-isa ako. Haller, mother, ngayon pa lang ako nagdadalaga so please no pressure! And ano bang nakakalungkot sa pag-iisa ko, mother, independence ang tawag diyan, sanayan lang ang mag-isa. Pero alam ko iyon ang fear ni mother, ‘yong masyado akong masanay mag-isa. Well, ano bang magagawa ko, eh sa wala akong makita! Well, nanininiwala naman akong darating din kung sino mang herodes yan, noh! Mag-we-wait na lang ako. Actually, natutuwa pa nga ako na hindi pa siya dumarating. Ang dami ko pa kasing gustong gawin, gustong ma-accomplish and everything. Baka ‘pag ngayon dumating yang si Mr. Right-slash-Hotshot Gorgeous Guy-slash-Lothario na yan eh hindi ko bigyang pansin sa dami ng priorites ko sa buhay. Naka-line up pa nga hanggang 2012,e, hehehe…Ayoko nga na darating siyang hindi ako prepared, I hate surprises pa naman. Ayoko ng dinadaan as gulpi de gulat at talagang magugulpi ako nang todo. Gusto ko dilat na dilat ang mga mata ko at ready ko siyang i-welcome with open hands, heart and soul at lahat lahat ng puwede pang i-open.

Pero kung sakaling dumating siya ngayon, I guess wala akong choice kundi tanggapin ang kapalaran. Sabi pa naman nung matandang babaeng nakasalubong ko no’ng college pa ko nung magsimba kami ni Shiela sa Quiapo, “Isang beses lang darating ang pag-ibig sa buhay mo. Kapag pinalampas mo, hindi na babalik.” That time, na-lurkey ako sa machiondang ale na yun, naisip ko pa na malamang sa hindi tumira ng rugby si manang noon, pero ngayon ko naisip na “it makes sense”. No woman would really know when she’s gonna fall in love di ba? Pero habang wala pa ung greatest TL ng buhay ko, I’ll enjoy life muna. And I intend to enjoy it to the fullest full! At sisiksikin ko pa para umapaw! Echos!

Re: My attempts at writing
Post on Sun Feb 07, 2010 5:48 pm by janis
The one Who Got Away (ADIOS, AMORE)



Foreword :

This is for my guy friend, Quincy. I know magiging masaya ka rin, someday…

————

I never believed in love until I met Nicole. Nicole wasn’t a total headturner, in fact, she’s not the usual babe who would stir a second glance from any guy. Her face so common and her presence not powerful. I couldn’t remember when I began loving her, really, I just woke up one day knowing that I love her.

“Musta n nga pla c Nicole…” text ko to kay *Dianne, bestfriend ni Nicole. “Did she change number? Tryin to call her since y’day, cannot be reached, e! Saw each other kasi sa Starbucks Cubao last week.”
“Nope, she’s using same number. Nasa Hongkong lang siya. Honeymoon kc.” Dianne’s text to me.
“Honeymoon?!”
“Di mo ba alam, kinasal na siya last Sunday.”
“Whaaaaaaaaaaaatttttttttttttt?!”

Nagising ako isang araw na miss na miss ko si Nicole. Gusto ko siyang makita. Four years. Four years kong tinikis ang sarili ko. Tiniis kong wag siyang i-text kahit alam ko’ng number niya. Tiniis kong wag siyang i-invite sa friendster. Four years kong pinilit na alisin siya sa sistema ko. Dapat lang naman. Sino ba naman kasi si Nicole sa buhay ko? Ni hindi ko nga siya ex! Pero…Four years ko na rin palang niloko ang sarili ko.

One day, hindi ako nakatiis. Hinanap ko siya sa friendster. Primary photo niya pa lang, pamatay na! Munitk na akong mahulog sa upuan ko. Exaggerated na kung exaggerated pero, talagang nagulat ako nang makita ko siya ulit. Wala namang nagbago sa kaniya. Nagulat lang ako dahil nakaramdam ako nang sobrang kaba, sobra sobrang emosyon nang makita ko siya ulit. Four years. Four long and hellis years. Sa sobrang hindi ko nakayanan ang nag-uumapaw na emotions sa puso ko, hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Siguro tinatanong ninyo kung sino si Nicole. Si Nicole ay dati kong officemate. Isa siya sa mga babaeng hindi ko nakayanang lapitan. Actually, madali lang sa akin dati ang manligaw, as in, pag type ko, type ko. Konting pa-cute lang. Konting pa-”hi” lang, nagiging gf ko na. Pero si Nicole, nung isang beses na tinangka kong magpa-cute, sumemplang kaagad! Mataray kasi si Nicole. Hindi pala, super sweet pala siya. Oo, sweet, pero sa mga friends niya lang. Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit parang naiinis isya sa akin. NUng minsan kasing nakasabay ko siya sa elevator, nag-hi ako, deadma lang siya. Samantalang ‘yong ibang girls, magpapa-cute na at kakausapin ako. Mayabang na kung mayabang, pero hindi ko talaga alam kung anong approach ang gagamitin ko sa kaniya. Hindi ko talaga siya malapitan. Sobrang ilag. Sobrang taray. Nainis tuloy ako sa kaniya at sa sarili ko. Nainis ako sa kaniya dahil pakiramdam ko, sinsadya niyang saktan ako at sabi nga mga bading “Hindi ka naman kagandahan no!” Pero mas nainis ako sa sarili ko, dahil sobra akong natorpe. Siguro nga sobra akong natakot na baka ma-basted pag nanligaw sa kaniya. Imagine-in mo, siya lang ang niligawan ko sa buong buhay ko, tapos babastedin ako! HIndi ko kakayanin yun noh!

So ang ginawa ko, nanligaw ako ng iba. Bakit, nag-iisa lang ba siyang babae sa mundo? Bakit nga naman ako magtiya-tiyaga if I have so much appeal to get other women to like me? Praktikal lang naman ako. Kung ayaw niya sa akin, e, di lalong ayoko sa kaniya! Nanligaw ako ng ibang babae sa office, ‘yong magaganda, ‘yong mga tipong pang-model, ‘yong mga tipong pang-display. Dahil naging busy ako womanizing, hindi ko napansin na lalo siyang lumayo — hanggang sa nag-resign na lang siya.

Sa tuwing napapadaan ako sa cubicle niya at walang nakaupo doon — wala ‘yong mga matang parang laging nakairap pag nakatingin sa akin, wala yong mga kilay na laging nakataas pag nagsasalita ako — nakakramdam ako ng sobrang lungkot. Longing. Desperation. Regret. Lalo lang akong naiinis sa sarili ko dahil masyado akong naging duwag. Hindi ko pinaglaban ‘yong nararamdaman ko para sa kaniya. When she left, feeling ko she’s taken a vital part of me with her. So ang giinawa ko, bumawi ako sa ibang babae. 3 girlfriends sabay sabay. Kailangan mabawi ko kung ano ‘yong nawala nung nawala siya sa buhay ko. Pero I ended up breaking hearts and having my heart broken many times as well.

Pero tinikis ko pa din ‘yong pain. I continued living na parang walang Nicole sa buhay ko. Technically, hindi naman siya talaga naging part ng buhay ko. Dahil hindi ko nga siya naging ex. Until last month. I tried getting in touch with former officemates. Basta. I sent PM’s in friendster, text sone of them, kunwari nakikibalita. Pero ang bottomline, gusto ko lang maging updated sa buhay ni Nicole. This time hindi ko na talaga pakakawalan si Nicole. And yes, liligawan ko na siya. Yes, liligawan ko na siya kahit mabasted ako! Bahala na si Batman. Dahil pag wala akong ginawa, mababaliw na ako! Pero wala ni isa man sa kanila nagbanggit anything tungkol kay Nicole. Kahit si Dianne na bestfriend niya. Kunsabagay, wala kasing nakakaalam na patay na patay pala ako kay Nicole.

And dahil magpapasko naman, nag-send na rin ako ng PM kay Nicole, eto ‘yong message ko sa kaniya.
“Hi! Still remember me? La lang, greet lang kita ng Merry Christmas! getting in touch kasi with former colleagues pag uwi ko ng Pinas!”

After a week, hindi siya nag-reply. Nainis ako kaya naisip ko, gaya ng mga babae, magsa-shopping na lang ako. In-invite ko si Janis na gumala sa Cubao, date na din naming magkaibigan. Kaso lang hindi puwede si Janis mag-stay kaya 4pm, umalis na siya. May date din kasi siya nun (hindi ko alam na doctors na pala ang mga prospects ni Janis, nag-give up na ba sa call center Team Lead?! – hehehe). Going back to my story, tumambay ako sa Starbucks Cubao after naming mag-ikot sa Gateway Mall and after magpabili ng kung anu-ano si Janis sa Rustans).

Akala ko nga nananaginip lang ako. Anak ng…@#! Nagha-halucinate na ata ako. Si Nicole ba ‘yong nasa kabilang table? Lumapit ako para makasiguro. Wala akong dapat aksayahin na oras. Nag-hi ako, ngumiti siya sa akin. Wow! Ganito pala feeling kapag nginingitian ka ng taong mahal mo. Napansin ko na paubos na pala yong drinks niya at habang nakikipag-ngitian ako sa kaniya, nag-ring ‘yong cellphone niya. Nag-excuse siya tapos biglang tumayo. Tinititigan ko siya habang nagsasalita at kinakausap ang sino mang kausap niya sa cellphone. Nakita kong ngumiti siya. Tumawa. Sumimangot. Pero kahit ano pa ang facial expression niya, maganda pa rin siya sa paningin ko. Pero ang hindi ko nagustuhan ay yung sinabi niya bago nag-goodbye, “I love you, too!” Ni hindi ako nakapag-react at bigla na lang siyang tumayo pagkatapos mag-good bye sa akin.

Gano’n lang ‘yon?

Kaya kinabukasan, nag-text talaga ako kay Dianne, dahil alam kong siya ang closest friend ni Nicole.

“Musta n nga pla c Nicole…” text ko to kay Dianne, bestfriend ni Nicole. “Did she change number? Tryin to call her since y’day, cannot be reached, e! Saw each other kasi sa Starbucks Cubao last week.”
“Nope, she’s using same number. Nasa Hongkong lang siya. Honeymoon kc.” Dianne’s text to me.
“Honeymoon?!”
“Di mo ba alam, kinasal na siya last Sunday.”
“Whaaaaaaaaaaaatttttttttttttt?!”
“Yup, yup. Kasi ikaw, hindi mo niligawan, e. Kamukha mo pa naman ‘yong asawa niya. Sabi niya nga sa akin, dahil napagod na siyang maghintay sa’yo, hahanap na lang siya ng iba. Sabi niya nga sana daw may twin brother ka para at least hindi man daw ikaw ang makatuluyan niya, kamukha mo naman!”

sh*t! sh*t! sh*t! Dahil lang hindi ko niligawan, habang buhay na nawala si Nicole sa buhay ko. At kahit kailan, hinding hindi na siya magiging akin…

—————–

*Nicole – hindi tunay na pangalan
*Dianne – screen name lang din
Re: My attempts at writing
Post on Sun Feb 07, 2010 8:57 pm by sansan
naka relate ako dun sis sa malamig ang valentines.. he3!!!!


ang galing mo sis janis!!!! MORE!!!MORE!!!MORE!!!
Re: My attempts at writing
Post on Sun Feb 07, 2010 9:40 pm by bea
waaah ate janis! ako din nakarelate! ehe

actually ayun nbsb din ako.. at there are times na kapag magkakasama kaming magbabarkada tapos lovelife na topic ako nakikita nila..
ayun sabi din nila saken ang choosy ko daw.. at kaya until now eh wala pa rin akong lovelife.. ewan ko ba.. may times na binigyan pa nila ako ng mga textmate pero wala rin.. hahaha jusko! di ko kasi mafeel na siya na eh.. tsaka may nangyari nun nagkita kami tapos di na ako tinext.. feeling ko tuloy ang pangit ko.. tsk! pero kiber! ehe di rin naman sya matangkad eh! haha gusto ko kasi matangkad.. haha

tsaka masaya naman maging single eh! kaso aaminin ko may dumarating na time na naiinggit ako sa kanila.. gusto ko din maexperience yung mga ganon.. pero siguro di pa talaga time.. so ako'y mageenjoy muna ako sa Single-blessedness ko.. at naisip ko din naisip mo ate! ehe kung anong type ba ako ng gf if ever? ehe siguro ako moody na gf.. ehe ewan.. darating din ang para sa atin.. someday.. aja! ehe
Re: My attempts at writing
Post on Tue Feb 09, 2010 8:51 am by janis
Thanks bea and san for reading, alam kong medyo mahaba.... hehehe..po-post ko pa ung iba galing sa blog ko, okie?! medyo tamaran mode ako nagyon, walang inspiration magsulat. gusto ko lately mag-travel. Essays ala travel magazine naman next project ko. Wink
Re: My attempts at writing
Post on Tue Feb 09, 2010 9:03 pm by bea
wow ate! bongga! ehe sige hihintayin ko ang mga bago mong posts.. ehe
aja! nakarelate ako.. ehehe [You must be registered and logged in to see this image.]
Re: My attempts at writing
Post on Tue Feb 09, 2010 11:24 pm by Kaye Cee
hoy hoy hoy!!! janis sino yan!? lol!
Re: My attempts at writing
Post on Wed Feb 10, 2010 4:58 am by janis
Catey Amidala Skywalker wrote:
hoy hoy hoy!!! janis sino yan!? lol!

wala ngang inspiration, e


Last edited by janis on Wed Feb 10, 2010 5:00 am; edited 1 time in total
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 8:51 pm by janis
"I’ve done something silly,fallen in love with a man who can’t love me back because he loves another. Thought it hurts like hell,I only want one thing for him — to be eternally happy. If the one he loves is making him happy,what more can I ask but for him to have and hold her forever. I may not be given the opportunity nor would’ve the courage to let him know this but I’d say it anyway “I love you. Always have. Always will. And I’ll always be waiting in the wing. “
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 8:53 pm by janis
The Most Embarassing of All Embarassing MOments sa Buhay Ko!


Ang kahihiyan ni Janis at ang kaniyang misadventure!
Bow!

Hassle na kasi ang ubo't sipon ko, so after two days, naisipan kong magpa-check up sa Medical City. Sabi ng nanay ko, sasama daw siya dahil baka i-confine ako, wala daw akong load para mag-text sa bahay. Paano ba naman, halos ibuga ko na at ilabas ang baga ko para lang makalanghap ng hangin at nang lumuwag man lang ang hingahan ko. Anyways, nasa Medical City na kami ni nanay tapos the last time na bumisita ako sa Maxicare was two years ago pa. At ang natatandaan ko, sumakay kami ng elevator papuntang lower ground. So being a know-it-all girl that I am (sometimes), sakay kami ni nanay ng elevator. Tapos umikot kami sa buong LG bago ko naisipang tanungin 'yong isa sa ulitity personnel. "Eh, Ma'am sa ground floor po 'yun!" Ah, okay! Siyempre nga naman, sa loob nga ng 24 oras, sandamakmak na ang puwedeng mangyari, two years pa kaya!? "Thank you po!" Siyempre, nagpa-cute naman ako. So may I ride na kami ni mama sa elevator. 'Pag baba namin sa ground floor, pasok na kami sa pinto. Take note : Maxicare ang HMO namin sa company. So mega getsy ako ng number at umupo na to wait for my turn to be called. Tapos nung tinawag 'ung number ko sabi ng receptionist "Ma'm, peram po ng card." So inabot ko naman ung Maxicare kong card, at siyempre mega-proud kasi may "Premium" na tatak 'yun. Tapos tiningnan ako ng receptionist na parang bigla akong tinubuan ng sungay. "Ma'am, sa kabila po ata kayo. Try nyo po sa next na door". Mang-aaway na sana ako pero dahil 38.4 degree celcius ang temperature ko, naghunus-dili naman ako dahil baka biglang umakyat sa 42 degrees at kumbulsiyunin ako . So, hinablot ko 'yong card ko at nag-dramatic entrance ako. Tapos nung nasa labas na ko, binasa ko ung nakasulat sa door : MEDICARD. Anak ng parents naman, oo, nasobrahan ata ako ng intake ng Nafarin at na-high ako. Ano bars? MAXICARE, janis! M-A-X-I-C-A-R-E!!!! With all the grace and poise I could muster, pasok kami sa next door, this time carefully reading the name : MAXICARE. Eto na janis! Totoo na ito! This is it!

Tapos nandun na nga kami sa loob ng, again : MAXICARE! So may I get na naman akes ng number. Tapos tinawag na ang number ko tapos inabot ko 'yung card ko. Tapos maya maya, may pinapa-pirmahan sa akin, a credit card receipt-like na papel (alam ninyo yung pinapapirmahan pag nag-swipe kayo ng credit card). Sabi ko "Wait, lang Miss, di ba, libre to kasi Maxicare ung HMO namin di ba? Bakit may charge? Saka hindi ko naman binigay 'ung credit card ko ah!" Tapos, I swear gusto talagang matawa ng receptionist, pero siguro naawa sa ka-inosentihan ko, kaya nag-explain na lang. "Ma'am, ganiyan na po ngayon, sina-swipe na po 'ung HMO card ninyo tapos pipirmahan nio na lang po ung charge slip pero wala kayong babayaran." So I smiled and kunwari naaliw sa process. "Wow, ang galing, high tech naman!" I meekly returned to my seat and thanked God na aapat lang kami doon, kasama ang nanay ko. Pinakiramdaman ko ung dalawang ibang tao doon. Deadma naman sila. Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong hininga and to my surprise, bigla akong umubo. Turn off talaga! Parang sumabog ang buong paikot ng sinturon ni hudas!! Good thing, nakisama ang sipon ko at Missing in action siya that time

So after merely 2 minutes of consultation with the doctor, binigyan na ako ng prescription. Eh may Mercury Drug naman sa labas ng Medical City but since sa Galeria ako sasakay pauwi dahil ang layo ng tawiran (sa Meralco Foundation pa), sumakay kami papuntang Galeria. Tapos si nanay sumakay na ng bus patungo sa Camp Crame. Nagpunta ako sa Mercury Drug para sana bumili na ng gamot. Kaso lang naisip ko na since nandoon na ako, might as well, mag-replinish na din ako ng mga gamit ko like shampoo, etc... When I was at the cashier, una ko siyempre iniabot ung Suki Card ko ( Mercury Drug loyalty card) tapos hinintay na ma-scan lahat ng pinamili ko. Tumataginting na P 1, 407.50 ang babayran ko (idinamay ko na rin kasi pati groceries sa bahay like coffee, sugar, family soap, etc..). Tapos binulatlat ko 'ung wallet ko. Tumataginting na P 100 at P20 bills lang laman! Nakakahiya, there were like 5 people pa naman sa likuran ko. Kakahiya talaga. Sabay hirit ko naman sa cashier. "Sorry, wait lang Miss kailangan ko palang mag-withdraw muna." Pero ang problem, wala namang laman ung ATM ko kasi wini-withdraw ko lahat ng laman non tapos hindi talaga ako naglalagay ng maraming pera sa wallet ko, iniiwan ko sa bahay. Nakakahiya talaga. Sa patung-patong na kahihiyang inabot ko, hindi na ako bumalik sa Mercury Drug. At kahit kailan, hindi na ako bibili doon. Siguro after two years na lang. Hay!

Kakahiya talaga. Ang worst pa sa lahat, 'yung isa sa nakapila sa likod ko sa drugstore, isa din doon sa nasa loob ng Maxicare! Nakakaloka talaga. Cute pa naman siya tapos nag-smile pa siya sa akin bago ako umalis ng Mercury Drug! Nakakahiya talga. Turn off. Hindi ko alam kung naaliw siya or pinagtatawanan niya ang nag-uumapaw kong ka-eng-engan nung day na 'yon!

Whew! Whattaday! Umuwi tuloy akong mukhang engot at walang gamot! At habang bumibiyahe pauwi, nagmistulang New Year's Celebration sa loob ng bus dahil hindi lang dalawa ang umuubo -- puwede na kaming bumuo ng choir!!!

posted by jANiS @ Wednesday, December 26, 2007
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 8:54 pm by janis
Wednesday, October 10, 2007
26 Things I discovered...and learned?

Today is my 26th birthday (yaiks, ang tanda ko na pala!). I've decided to come up with things I discovered throughout the 26 glorious years na nabuhay ako sa mundong ito. I used the word "discovered" dahil kapag sinabi kong "learned", ibig sabihin talagang magiging guiding principle ko na ito sa buhay. Actually, 'yong iba naman dito aren't totally new, parang re-discovery lang ang nangyari. Ilan sa list ay matitino, ang iba naman wala lang.

1. Things aren't always what they seem. Sometimes, we need to dig deeper, we need to pay attention to nuances and things that aren't obviously shown to have a better understanding on things. It's true that sometimes, we say things we don't really mean and try to hide what we really feel inside. While "What you see is what you get" sometimes is true, there are times when we fail to understand the reason why things happen because we focus more on what tends to be visible to the eyes.

2. Don't expect too much. The less your expectations are, the less chances you'll get hurt. Don't keep your hopes too high. Sabi nga nila, expect the unexpected di bah?

3. Life is unfair. Hay, ano pa nga ba? Minsan parang mas masaya ang mga taong gumagawa ng masama. Laging nakikita 'yong mga pangit sa'yo, 'yong mga maling ginagawa mo over your good deeds, your good qualities.

4. People will fail you. Believe me, at one point,even the people you trust the most will betray you, would let you down,would hurt you.

5. Life itself, is irony. Sabi nga ng song, "kung sinong mahal mo siyang ayaw sa 'yo". Sabi pa ni Alanis, "it's like meeting the man of your dreams and then meeeting his beautiful wife". Sabi pa ng iba,"kung sino pa ang nagpaiyak sa'yo, 'yun dun ang taong nagpapasaya sa'yo". Eh ganon talaga!

6. You cannot please everyone, you never will, even if you try real hard. I have come yo admit na may mga tao yatang pinanganak para mainis sa'yo, magalit sa'yo kahit wala ka talagang ginawang masama sa kanila, or kahit wala kang ginawa at all.

7. No one has or was given the right to intimidate you. This is my personal credo about intimidation "You only get initimidated if you're not secure of who you are."

8. May mga bagay na kahit anong paliwanag, hindi mo talaga maintindihan. Pero may mga bagay na naiindihan mo kahit walang paliwanag.

9. Tama si Oprah "“If a man wants you, nothing can keep him away.If he doesn’t want you, nothing can make him stay". Tama na ang ilusyon. Tama na ang kaiisip sa mga sandamakmak na what if's sa buhay mo! Tama na! Sobra na! Ang sinabi na ito ni OPRAH ay isang SAMPAL na gumising sa natutulog kong isipan at umalog sa namamahinga kong puso. Ayoko ng umasa! Ayokoooooo na! Reality bites...it hurts!

10. It's hard not to fight back, not to get even. Mahairap talgang maging mabait. Minsan, ang hirap manahimik lang at huwag gumanti lalo na at magiging worse lang ang situation. Pero minsan mahirap talaga to shut up and suppressed the growing anger that's building up inside you. But we must dahil ang pumatol sa baliw, mas baliw! Hahaha... Iniisip ko na lang lagi "Hinding hindi ako bababa sa level nila.Hmp!"

11. We have to reward ourselves. How about buying something for yourself once in a while? Dati hindi ko makita ang point sa pagbibigay ng reward sa sarili, until napagod ako at nabulagan sa fruits ng labor ko. Akala ko nagtatrabaho lang ako for nothing. Feeling ko, napupunta lahat sa family ko (not that it's a bad thing) pero nakakapagod din lalo na kung walang natitira sa'yo. That's when I decided na kailangang magtira ako para sa sarili ko. This is also applicable sa love, kailangang mahalin mo ang sarili mo at magtira ka, 'wag all the way, 'wag "I'll give you everything", 'wag mo ibigay ang 100%, para pag natapos na ang lahat and it didn't turn out right, may natira pa sa'yo. Para buo ka pa din, buong buo pa din ang pagkatao mo.

12. You don't and won't always get what you want. Minsan, the things you want the most are the things you're being deprived of, things that are taken from you. It's one sad fact we should learn to live with, to live in.

13. It's true na some good things never last, malalaman mo ang worth ng isang tao o bagay when you lose it/him/her; there are times na some good things won't even start. Lesson : Embrace life as it comes.

14. Hindi totoo ang kasabihang "Beauty is useless but character is the best." C'mon, magpakatotoo naman tayo, just this once! Although in the long run, mas mahalaga ang "substance", hindi ba nagsisimula lahat sa physical attraction, sa "intrigue", kaya na-engganyo ka to know a person better? It's this "intrigue" or "mystique" that'll draw you to someone.

15. Kung hindi talaga para sa'yo, kahit ano'ng pilit mo, hindi magiging sa'yo. If it's bound to happen, it's gonna happen; if it's meant to be, it's meant to be. Kahit mag-novena ka pa buong taon, maglakad nang nakaluhod sa Quiapo at hindi kumain ng ilang centuries, may mga bagay na hindi talaga para sa atin. Should we let go? We must.

16. There will always be "some people" - people who would always hinder, humper and would never let you be happy and would never leave you in peace. Part sila ng buhay mo and they would always bother you unless you allow them and until you learn to disregard them like trash. My personal mantra ako dito,"Difficult people are like sandpapers, they may rub you painfully. But they would end up worn out and you'll end ep well polished"! Bongga!

17. There are things, facts that are just so hard to accept, but we must. These are the things that we don't have any control over. They just happen, we have to let them be.

18. I am one of the few lucky people in this world. Everywhere I go, I always come across meeting true people, true friends, true gems. I've hopped from one job to another, but I've made it my point not to leave that company without touching lives and adding names to my list called "friends".

19. May mga bagay na mahirap talagang kalimutan. Either dahil talagang intergral part na sila ng life mo or talagang ayaw mo lang kalimutan.

20.There's a price for everything. Walang libre sa mundo. If we wanna take something, we should also give something back. Hindi tamang tanggap lang ng tanggap, kuha lang ng kuha, kelangang magbigay din. It's like saying that once you let yourself love a person, kailangang handa kang masaktan, pero masaya ka naman habang nagmamahal ka di ba?

21. Kapag lumalaki ang source of income mo, lumalaki lalo ang mga expenses mo. My first job was with Link2Support, and for the record, my initial salary then was P 8000, pero masaya ako noon. I was able to eat out with my supahfriends Aimz, Ruth, Malen, Pring and Chele. Jahnays and I was able to go 'lil shopping at times. I was paying my younger bro's tuition fee, plus the monthly bills. Naka-survive naman ako. Pero ngayon, hello? It feels like hell living paycheck to paycheck.

22. Sometimes, there's no day but today. Minsan kasi we forget to live in today, we continue to live either in the past or the future. By looking back or fast tracking tomorrow, nalilimutan natin to live in the moment kaya tuloy may mga bagay tayong na-i-ignore, things we forget to pay much attention at, thus, losing the opportunity to enjoy life and be happy. Minsan sa sobrang pag-dwell natin sa pasts, sa mga regrets, sa mga mistakes, may mga opportunites na dumadaan lang, na puwedeng hindi na ulit ibigay sa atin. And may mga bagay na ina-anticipate mo pa lang, nauunsiyami dahil sa kapalpakang pinaggagawa mo today.

23. Don't complain or you'll never stop complaining, for there's so much in life to complain about. There was a time sa buhay ko when every night na lang before I report for work, I would rant about something, from the taxi driver, salesclerk in the mall, your neighbor, traffic, etc... I always have a complaint about almost everything in this world. Then it dawn on me that it's becoming a pattern, like kailangang mairita ako or magalit ako everyday. Napansin ko na mas madali akong magalit, madaling mairita, madaling maasar at madalas kong nakikita 'yong sarili kong dakdak nang dakdak dahil sa napakaliit na bagay. Napakadali kong ma-provoke. More than ever, that was the time that I was the best candidate to an anger management program. At dahil sobrang mareklamo ako no'n, wala na akong nakitang maganda, wala na akong nakitang tama, lahat na lang mali, lahat pangit, lahat negative. Hindi ako makapag-perform nang maayos sa trabaho. Madalas akong nagagalit sa mga kapatid ko, I had very little patience and feeling ko para akong bombang sasabog any moment. I suddenly felt old but immature.I decided na hindi na 'yon healthy, I had to change or else, it might be too late!

24. Tears comfort the heart and cleanse the soul. One of the nicest things I've learned from Leo Buscaglia is the undermined power of tears. I find true strength in crying. May mga bagay kasi na hindi nadadaan sa usapan. May mga bagay na kahit anong discussion mo with friends, kahit anong hanap mo ng words of wisdom para ma-resolve ang kung ano mang bumabagabag sa loob mo, ma-e-ease lahat kapag umiyak ka. This is the reason why I always say na iyakin ako, sobra, but that doesn't mean na whimpy ako, na sobrang weak ako. There are really times na kapag hindi ko na kaya, I just let it out and cry. For me, sa bawat patak ng luha, parang nadi-discharge lahat ng negative energy, lahat ng negative feelings na nagpapabigat sa loob ko.

25. There comes a point in a person's life when you'd get fed up. Kahit gaano ka katapang, kahit gaano ka kalakas, kahit akala mo kaya mo lahat, darating at darating sa point na mapapagod ka. Mapapagod kang lumaban. Mapapagod kang maging okay. Maging malakas. Mapapagod kang sumubok. Mapapagod kang maging matatag. Mapapagod ka. Period. Kailangan lang naman magpahinga. Tapos mare-realize mo na ready ka na ulit to continue your journey.

26. Count your blessings, NOT YOUR AGE!


Last edited by janis on Tue Nov 02, 2010 8:56 pm; edited 1 time in total
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 8:56 pm by janis
Sorry guys, posting my blog entries here....ide-delete ko na kc ung account ko, e...

Na-miss ko din ung ga love letters ko sa dati kong lifetie crush!!!
Very Happy
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 8:58 pm by janis
onfessions and Masquerade...

I am not looking for someone to love. I believe that life still offers me a lot to live on and live for... I don't have to ask for more, for something I don't have...

But there is a certain longing I feel inside. At the end of the day, I would feel this certain emptiness, this whole wing of nothingness...a whole in my heart, a lump. I would feel sick. It's like a plague that keeps striking me...a dream, a nightmare that keeps haunting me... never lets me sleep, never keep me in peace.

It has been nothing but tiring...wearing a mask, a facade that hides who I really am. More than anything, more than anyone can see --- that I am strong and intimidating, unaltered, determined, unshakeable --- I would have to admit that I am a coward...An unfeeling, insensitive and coward person. Ever heard of defense mechanism? If my life isn't that, what else can you call it?

I may appear to be free but I'm just a prisoner (borrowed lines from one of my fave artist Macy Gray)... I may appear to be strong, calm and composed but there is an undying revulsion inside of me just waiting for the perfect time to explode. I guess I just hate to admit that I need someone to make me live...just as the tree needs water, balloon needs the air. Before I sleep at night (or day) I would still think of one thing --- i wish i could find somene whom i could say "goodnight" to with a kiss... I wish I could ask someone to stay beside me...I wish I could ask someone to love me...But I just couldn't...Not for the scarcity of men or the chances --- I just couldn't find that someone.

And if there is a most tiring cliche and thing in the world --- that is waiting, longing...To sit and wait for something is really tiring. While you're doing nothing physically, you have your mind wondering and wandering...Never ending thinking, evaluating and analyzing...

Some people said I lost those chances by driving men away...Had I really?

Probably...If only for a personal message I received (friendster account)...that message belonged to someone I know so well...someone who WAS very special to me then...if only then he had found the courage to say those to me, something wonderful could've happened...but maybe he didn't have enough courage then or maybe I didn't show much interest in him, not enough encouragement... (whatever! )

Here's the song he had sent me :

There once was love thrown into your room
But you never knew
A calendar of days just for you
But you never knew, never knew no
And the truth that you'll find will always be
The truth you hide

So how do you love, how do you love
When your angels can't sing, and your world is still
Lacking of me

There once were eyes that only saw you
But you never knew
A portrait of a flower in full bloom
But you never knew, never knew no
And the words that you fear will always be
The words you hear

This space where you've been living
Has gifts you've never given
That's the face you always show
Ask me for words of wisdom
Tell me of your condition
I don't know, I don't
I don't know

And the truth that you'll find will always be
The truth you hide


Maybe I'm still too afraid to risk, to fall in love and take off my shield...


And when I finally did, I had to run away...
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 8:59 pm by janis
Thursday, October 26, 2006
Sabi nila


Maraming hindi nakaiintindi ng narararamdaman ko, but I don't care, so long as masaya ako at wala akong sinasaktan or nasasaktan na tao (maliban sa sarili ko)! Isa-isahin natin.

Sabi nila pathetic daw ako dahil hanggang ngayon mahal pa rin kita. Hanggang ngayon ayaw palitan, hindi makalimutan. Dapat na daw akong maghanap ng iba. Hindi nga sila naniniwalang nag-e-exist ka. Isa ka daw alamat, epiko...and bottom-line, isa ka daw kathang isip. Ang pinaka-best na gawin ay kalimutan ka, maging masaya at humanap ng iba! Pero ang tanong : Paano? Itong nararamdaman ko, biglaan, walang plano, hindi pinilit. Ni hindi ko nga alam kung paano akong na-inlove, i-un-inlove pa kaya?


Sabi nila martyr daw ako. Maraming iba, nagti-tiyaga sa iba, sa iyo. Marami daw akong opportunities na sinayang para maging masaya sa piling ng iba? Paano ka ba magiging masaya sa piling ng iba kung hindi mo naman mahal, di ba? Mas pathetic kung magse-settle ka lang sa kung sinong available, you might end up forcing yourself to love someone for the sake of coupledom. Hindi ako naniniwalang natututunan ang pag-ibig. Hindi naman ito isang subject or course sa school para pag-aralan. I mean maraming pilosopo at siyentipiko na ang nag-attempt na ipaliwanag nang konkreto ang mahiwagang existence at process ng "love" but to no avail! Ako naniniwala ako sa spark, sa sudden urge, doon sa parang force or hipnotism that draws you towards the one you love, specially if that person's around. Itong spark na ito 'yong nagbibigay sa'yo ng reasons and motivations to know the person deeply --- so you could give justice sa naramdaman mo at first sight, if it's valid or invalid (hehehe). I believe in corny stuffs like butterfiles in the stomach, world stops spinning, etc...Bakit? Dahil 'yon ang nararamdaman ko for you. And no other man had made me feel this way!


At ang pinaka-malala, baliw na daw ako. Insane. Crazy. Tinanong nga ako ng siang friend ko "Janis, sure ka? Willing kang maghintay kahit forever even if you're holding on a circumstantial eveidence na mahal ka niya? Okay lang talagang tumandang dalaga kahihintay sa kaniya? What if may iba na siya? What if malaman mong bakla pala siya? May ka-live in abroad? May anak na? Married?" Sagot ko naman, "YES" in all of the above except the last question, ibang usapan na yan! Saka single pa den naman status niya sa friendster (hopeful!naks!).
Siguro maraming natatawa, naiinis at naaawa sa akin, pero let it be. Weird na kung weird, pero ganon naman talaga eh! Mahirap naman talagang intindihin ang love di bah? That is why it's called falling in love : you just fall, you don't jump or hop!Dahil falling doesn't include any decision, it's something unintentional, involuntary, unplanned, automatic. Eh di sana hindi "falling in love", rather "jumping or hopping in love"? Marami man akong naririnig, okay lang dahil mas kilala ko ang sarili ko at alam ko kung saan ako masaya. Belive me maligaya ako sa kugn ano man ang nararamdaman ko ngayon. Ang mas importante ang sabi ng utak ko matino ako at sabi ng puso ko masaya ako dahil in-love ako. Kung may darating na iba para pumalit sa'yo sa puso ko, I would welcome him with all my heart. Pero dumating man 'yong time na 'yon, I hope hindi mo malimutan na minsan minahal kita nang sobra sobra! Pero sa ngayon let me love you 'til my heart beats for someone else or my heart dies loving you.

It's okay for now just loving you from afar, looking at you from the corner. What about this longing I feel inside? Hahanapin na lang kita sa friendster and it would stay this way hanggang makahanap ako ng lakas ng loob para sabihin sa'yo ang feelings ko. Promise, I won't ask you to love me back but just lemme love you 'til I ran out of it. Loving you had made me create a world, my own world where I have you and me. When I'm terribly missing you, I just close my eyes and go back to my own world --- a world that's full of imaginations and dreams. For I know in my dreams, I could make a delusion a reality. And in my dreams, you love me. Just as the song goes :


"You see in my dreams,

We climb and climb

And at the top we fly

Let the world go on below us

We are lost in time

And I don't know really what it means

All I know is that you love me, in my dreams..."
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 9:00 pm by janis
Monday, November 13, 2006
Isang Iglap

Have you ever noticed how fast time flies? Kahapon grade one ka lang, ngayon grade one na 'yong anak mo? Ako nga parang gusto kong pigilan ang oras, kasi parang ang bilis-bilis ng panahon. Hindi naman gusto ko talagang pigilan, I just want to slow it down kasi gusto kong i-treasure lahat ng moments at events na nangyayari sa buhay. Most of all, gusto kong i-treasure at yakapin nang mahigpit 'yong mga taong mahal ko. As they always say, time is gold, it is somethingnakapag lumapas na, natapos na, something that could never be brought back.
I remember when I was young and the world was new, ang saya-saya lahat. Everything was a breeze and simple - no complications, no entanglements and everything is nice. Walang problema, walang iniisip because there were people who're looking after us. Pero ngayon, its time you stand on your own and find your place under the sun. If only I could turn back time, ito' yong mga babalikan ko (Ito rin iyong mga bagay na nami-miss ko):

Ayaw na ayaw mong matulog sa tanghali. Naiinis ka kapag tinatawag ka ng nanay mo para lang matulog sa tanghali, minsan pag nakita mo siya bago ka niya makita ay tinataguan mo pa. Tumakas ka lang nga after mong mag-lunch at hinintay mo siyang mag-siesta para pumuslit at katapugpin sina totoy, nene, boy at kung sino pang kalaro mo para maghabulan hanggang sa lumawit nag mga dila ninyo sa pagod, tapos pauuwiin ka lang para matulog? Wala ka ring pakialam kahit mangamoy kalabaw ka, at mangagsunog ang buhok mo sa araw, masaya kasi ang maglaro lalo na sa gitna ng initan. Favorite mong expression ang “Bati tayo di ba?. Naaalala ko pa dati, kahit anong grabe nang iyakan naming magkakaibigan pagkatapos magsabunutan at mag-away, kinabukasan kami-kami rin ang magkakalaro ng piko, Chinese garter at patintero. Kahit nagsipagsumbungan sa mga nanay dahil nakipag-away ka, lagi mong sinasabi "Hindi naman masakit, e!" pag ikaw yong napuruhan or "Nyenyenyenyenye..buti nga!" pag llamado ka sa laban.
Umiiyak kapag hindi pinayagang maligo sa ulan, tapos dudungaw sa bintana na punungpuno ng hinanakit sa mundo dahil naglalaro sa gitna ng ulan ang lahat ng kalaro mo. Sa lugar na kinalakhan ko na parang probinsiya pa, walang kasingsaya pag umuulan. Kelangan lagi kang present kasi maiinggit ka talaga - maghahabulan pa kayo hanggang makarating sa parang. Bakit hindi ka maiinggit, ang sarap maligo sa ulan, ‘yon yong mga times na kahit nangingitim na yong labi mo sa ginaw, hindi ka talaga uuwi hanggat may pumapatak pang ulan. Ano naman kasi ang gagawin mo sa loob ng bahay kundi magmukmok at kumbinsihing matulog na lang ng nanay mo?
Walang hindi nakukuha sa iyak. Naaalala ko noong bata ako, napaka-untouchable ko. Pag nag-aaway kaming magkakapatid, hindi ako masaling ng mga kuya ko, pero ako libreng sumapak (hahaha) at aamba pa lang ‘yong kamay ng mga kuya ko, iiyak na ako. Lagot sila sa nanay, palo ang aabutin nila! Pag may gusto kang ipabili or may gusto kang makuha, kahit sa mga kalaro mo, luha ang pinakamabisang paraan para makuha yon! Noon, may lisensiya kang umiyak dahil bata ka!
Ang pilay at peklat ay bahagi ng buhay-bata. Madalas kaming umakyat sa mga puno sa parang. Komplete yata lahat ng puno sa amin - mangga, balete, bayabas, kaimito, kamatsili, duhat, bignay at iba pa. Kumpleto din ang lahat ng gulay sa bahay kubo sa tanim ni Kakang Ambo - sitaw, upo, patola, okra, kamatis (prutas pala to!), talong, patatas, talbos ng kamote, ampalaya, malunggay, atbp. Madalas kaming umakyat sa puno ng mangga at ng balete kasi iyon yong pinakamalalagong puno. Gumawa pa nga kami ng treehouse. At nung minsan nahulog si Yeng sa puno ng duhat at halos tatlong buwan ding walang umakyat sa punong iyon dahil tatlong buwan ding naka-semento ang paa ni Yeng. Kami naman sa kakalaro, madalas maging bisita ni Aling Maria dahil madalas ding mapilayan at trangkasuhin, minsan kasi masyadong pisikal 'yong laro namin. Madalas kasi kaming mangaso (hehehe) ng mga kahoy para sa mumunting mga kubo namin sa gitna ng parang. Kung hindi naman pilay, sugat at galos naman sa kaiipon ng dayami at paglalaro ng track and field sa patag. Pinasira man nila nanay 'yong mga kubo namin sa parang dahil ayon sa hatol ni Aling Maria, namatanda daw si Tawe kaya hindi maalis-alis 'yong lagnat pero nong dinala naman sa doctor, tipus pala 'yong sakit!
Kapag pasukan paborito mong araw ang Biyernes at Sabado. Huwebes pa lang gabi, excited na ako. Ang hirap kasi maging pang-umaga sa school, hindi ka puwedeng maglaro kasi maaga pang gigising kinabukasan at may mga assignment pang tatapusin. Pero pag dating ng Biyernes, free na free kang maglaro at abutin ng gabi sa piling ng mga kalaro mo. Hindi mo kailangang gawin ang mga assignments kasi walang pasok bukas. Tapos pupunta pa kayo sa Jollibee kinabukasan (I love you Sabado..)! Tapos makakatulog ka nang mahimbing at may ngiti sa labi dahil bukas, maglalaro ka maghapon!

Ngayon kasi ito na ang drama ko:

Kailangan kong matulog sa tanghali. Kung noong bata ako, ayaw na ayaw kong matulog sa tanghali, nagyon kailangan ko.Bakit hindi, night shift ako? Ngayon, wish ko laging umuwi ng bahay after shift at wala akong balak taguan ang nanay ko, ako na mismo ang natutulog. One trainer once said to me, "Janis, sleep is really a luxury in this industry. Kay pag may time matulog, matulog ka lang!"
Ang fondness at inis sa ulan, depende sa sitwasyon. Pag summer at night shift ka, kailangan umuulan para malamig a matulog per pag bumabiyahe ka naiisip mo'ng mas mainam nga na El Nino n lang lagi --- baha ang kalsada, ang aarte ng mga taxi driver, mahirap sumakay, maputik and daan at higit sa lahat, WALANG BUMIBIYAHENG PEDICAB SAMIN, paano ako maglalakad sa 'gang tuhod na baha!?
Hindi lahat nakukuha sa iyak at higit sa lahat minsan gusto mong umiyak kahit walang dahilan. Familiar ba? I think ito 'yong pina-seryosong part ng maturation/growing up (hindi ko na sinabing "pagtanda"). Minsan dumadating sa buhay ng tao na feeling mo hindi mo na kaya...uupo ka na lang sa isang tabi at iiyak, to at least ease out the burden kahit hindi man tuluyang mawala. Nong mga bata tayo, konting iyak lang makukuha na natin 'yong gusto natin. Nagyon kahit dugo pa ang iiyak mo, balewala pa rin. You just have to accept the fact that there are things not meant to be. Period!
Ang pilay at peklat ay bahagi ng buhay. May mga scars na mas matindi pa sa peklat at may mga fracture na mas nakakatakot kaysa pilay. These are the emotional and social toilings and struggles na hihaharap natin bawat sandali ng buhay natin sa mundo. Mas nakakatakot ang mga results at consequences than the physical scars na iniiwan nito dahil mas humihiwa sa puso at tumatanim sa isip.
Paborito kong petsa and 10th and 25th of the month and favorite days ko in a week ang Thursday at Friday. 10th and 25th? Suweldo kasi 'yon...hahaha...makikita ko na rin si Mr. ATM at si Ninoy (pero, abot tainga ang ngiti ng nanay ko) kasi parang pinawi-withdraw lang sa 'kin ang suweldo ko. Pero okay lang, 'yong mga payslips na itinatago ang nagpapatunay na may silbi ako at tumutulong ako sa Pilipinas --- aba, tax pa lang namin siguradong masayan masaya ang BIR! Thursday and Friday? Kasi restdays ko yan, ang sarap sarap matulog, kung puwede lang na 2days akong wag ng gumising...

Minsan nakaka-miss maging bata. Kung bakit kasi ang bilis ng panahon. Sana mas sinulot ko pa ung childhood ko. Maraming bagay na ginagawa mo non ang hindi na pwede nayon. Ang hirap kumita ng pera, ang daming problema. Pero anu't ano man, masaya pa rin and buhay. At paulit-ulit na sinasabi ni Malen "Ang buhay paganda nang paganda"...at dudugtungan ko yan "Parang tayo...paganda rin nang paganda"....!
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 9:02 pm by janis
Sunday, January 07, 2007
Sulat Pag-ibig

Para sa'yo Jo Me,(Sobra naman kasi ang pagkamanhid mo!)

Magandang araw sa'yo at sa mahal mong girlfriend! (Aray!!!)

Speaking of your girlfriend(aray!), nakita ko 'yong picture ninyong dalawa sa friendster niya...You seem to have shared a lot of good memories together...madalas akong maging hopeful dati dahil "single" ung status mo sa friendster (subukan mo kasing mag-upload ng cozy pix nio sa friendster or i-change mo sa "In A Relationship" ung status na-misled tuloy ako at nagpaka-asa asang puwede pa tayo. Lalo na ngayon na ini-air na naman ang Endless Love II - Winter Sonata, e tayo pa naman ang bida dun! Kala ko pa naman happy ending din tayu!!!).


Bakit ba kasi napaka-charming mo at kahit milya milya ang layo natin sa bawat isa, hatak na hatak mo pa rin ang puso ko at kaya mong kaladkarin all throughout Asia and Europe! Nakakainis, na ako na lang lagi ang point of tuksuhan at asaran sa get-together namin nina Ruthie! 'Lam mo 'yong feeling na nahihiya na ko sa kanila at ayaw kong pag-usapan ung pagiging sobra kong "obsessed" at "stalker" sa friendster account mo! Nakakapagod din naman, you know! Alam mo dati ang wish ko sana makita kita sa Pilipinas sa Pasko, pero ngayon parang ayaw ko na, kasi in all honesty, nung ibinalita sakin ng friend ko dati ung tungkol sa pagiging "taken" mo a couple of weeks (or months ata) back (imagine: isang spy friend ko sa Dubai ang nagbalita sakin at nag-screenshot ng friendster ng girlfriend mo --- Aray ulit!) ay hindi naman ako masyadong (gulp: hindi masyado) nasaktan. Pero parang pag sa real life ko ata makikita yun, 'yung may kasama kang iba, tas nakaakbay ka, tas sweet kayo, tas susubuan mo or susubuan ka ng food(yuck!) parang hihimatayin ata ako! Or baka buhusan ko kayong dalawa ng fave kong C2 - LemonII flavor! Ngayon ang wish ko na lang sana i-personal network mo na lang 'yong friendster mo para hindi na ako nate-tempt i-open! Hay, at nadaragdagan lang ang pagka-pikon at pagka-inis ko sa'yo dahil ikaw may iba na, samatalang ako...never mind, ibahin na lang natin ang usapan!


Kung binabasa mo man ang blogs ko (w/c I definitely doubt dahil malamang hindi mo na ako naaalala), sabi ko naman hindi ko igi-giit na mahalin mo rin. Okay na sa akin 'yong ganito. Naalala ko lang ung post ko (November 28) tungkol dun sa "dream" ko last time tungkol sa'yo, may part dun na nakita ko na may kasama kang girl (parang kamuhka nga ng gf mo 'yon) tas nagising ako na umiiyak. Parang eto yung nangyayari. Para atang warning yun - parang sign. Kelangan ko na talagang mag-move on at kalimutan ka kasi sabi nga ng mga friends ko --- hindi na daw healthy 'yong nararamdaman ko --- at well, mukha namang okay kayo ng gf mo together! (Teka lang nahihirapan na ata akong huminga...)
Sana okay ka lang diyan, hindi ka masyadong nahihirapan, kumakain sa tamang oras, nagte-take ng vitamins, nagpe-pray, nagbabasa ng bible, nanonood ng tv(may TFC or GMA Pinoy TV ba kayo sa bahay?), natutulog ng at least 6 hours sa night (siyempre gabi ka naman siguro natutulog dahil hindi ka na sa call center nagta-trabaho) at hindi nagkakasakit. Sana hindi ka inaaway ng gf mo (dahil baka masabunutan ko yan pag inaway ka dahil ako lang, tandaan mo, ako lang ang puwedeng magtaray sa'yo)! Sana hindi kayo nag-aaway and sana may blessing ni God 'yong relationship ninyo (ang hirap sabihin non kasi parang hiniling ko kay God na sana ibigay ka na niya talga sa gf mo at hindi saken) specially if she really makes you happy. I hope maging mas masaya at mas strong 'yong relationship ninyo (teka...hindi na tumitigil sa pagdugo ang puso ko...kelangan ko na atang magpahatid sa Broken Heart Center) at kung totohanan na yan, matuloy sa wedding at mag-raise kayo ng isang Christian family.


Sana naniniwala ka sa lahat lahat ng isinusulat ko dito dahil totoo yun (pwamis!). Mahirap sabihin sa isang taong minahal at minamahal mo nang sobra na sana maging masaya sa piling ng iba. Pero wala naman akong magagawa dahil I know na she's really making you happy at kung talgang mahal mo siya(check check: I can't believe na buhay pa ako!), may magagawa pa ba ako?! Ang prayer ko lang naman na sana hindi ka masaktan dahil mas masasaktan ako if ever.
And please, don't mind me. Yong pain, kaya ko yan. Asus, parang kalyo lang yan sa paa, titigas din pag tagal hanggang sa maging numb(hehehehe). Kaya ko ito. Isa lang ang hiling ko kung ikakasal na kayo, wag na wag ko na sanang malaman at please kahit hindi tayo close, wag mo kong kunin na ninang ng magiging anak niyo!!!


Sige, 'gang dito n lang ang letter ko kasi baka magalit si Mr. Smith ng friendster dahil ako ang sobrang umuubos ng resources ng friendster (sipag mag-blog, maraming photo album,maraming photos, maraming friends, etc...) Basta sana mag-ingat ka lagi, sa work, sa pag-akyat sa bundok, sa pag-aayos ng kung anik na anik na may kinalaman sa computers, sa pag-visit ng iba't ibang places at sa lahat ng ginagawa mo.


At lagi mong tatandaan na mahal na mahal...

Mahal na mahal...mahal na mahal pa den ang palitan ng dollar against peso, pero good news pa den kasi nag-roll back ung presyo ng gasolina kaya rollback den ang pamasahe sa jeep (P7.00 na ang minimum fare).
Ciao! (Ang haba na pala ng letter ko at surprisingly nakakapag-type pa rin ako sa keyboard!)

Nagmamahal kahit hindi mo mahal,
Janis

PS:

By the time na binabasa mo ito, baka hindi na ako humihinga sa sobrang hinagpis at panaghoy sa lubusang pagkawala mo sa buhay ko. You see, you're my life, you're my love and you're one of the many reasons why I continue to live and survive! And I doubt it, really doubt it if I'd love someone the way I love you!
Re: My attempts at writing
Post on Tue Nov 02, 2010 9:04 pm by janis
Friday, June 15, 2007
Huling Kabanata

For you,
(Subtitle : "Para Sa 'Yo" : Huling love letter ko na 'to!)


I've known myself (and others have observed, too) that I am strong, that I am a fighter (in short, AMAZONA ala Xena: The Warrior Princess) pero matagal na akong sumuko, matagal na akong nag-give up. Nawalan ng pag-asa. The last ray of hope I had, vanished in the darkness, vanished in the deepest abyss of my super excruciating loneliness (hindi ko naintindihan ibig sabihin ng sinulat ko, gusto ko lang gamitin 'tong mga words na 'to). My last string of hope had long been gone ,never to come back again. Para akong isang taong malaon nang nalagutan ng hininga pero patuloy na nabubuhay (in short patay na buhay...ZOMBIE?).Sabi ko dati kaya kong ipaglaban ang lahat na may kinalaman sa 'yo kahit sabi ng mga friends ko na wala naman kong ipinaglalaban or dapat ipaglaban pagdating sa 'yo (Oo nga naman! Ano ba kita?). Kaput! Ilusyon lang naman ang meron ako, di ba?! Sabi nga ng ibang friends ko, ang kuwento ng pag-ibig natin (pag-ibig ko lang pala) ay isang alamat, malaon nang nangyari at nagpasalin-salin sa lahat ng bibig at sa lahat ng henerasyon (exaggeration lang naman ito!). Isang alamat na milagroso at parang hindi naman nangyari!


Ang gusto ko lang naman sabihin ay gusto na kitang kalimutan, alisin sa sistema ko, tuluyang mawala sa buhay ko. Talagang napagod na ko,sobrang pagod na pagod na. Ang dati kong deep-set na mga mata ay puro eyebags na ngayon (not to mention the dark circles around it) kakapuyat at kaiiyak dahil sa'yo. Ang dati kong figure na pinag-aawayan ng mga lalaki (to die for body as in "pamatay" - wish,hehehe) ay sa mga larawan na lang makikita (wow! extinct na to na parang mga dinosaurs, hindi lang endangered specie). Gusto ko nang mag-move on!Please let me go (as if). Alam kong hindi mo hiniling na mahalin kita(as if naman pinangarap ko din 'yun), pero honestly, hindi ko lang napigil ang sarili ko. Hay, ewan ba? I didn't see it coming! Nevertherless, here I am, desperately and hopelessly devoted sa 'yo.Parang tangang naghihintay at maghihintay sa wala. Kaya hindi ko na malaman kung saan magsisimulang lumimot sa 'yo. Ang hirap kasi hindi ko alam kung kelan kita sinimulang mahalin, basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita. So kung hindi ko namalayang minahal kita, paano pa kaya kita hindi mamahalin at sisimulang kumbinsihin ang sarili kong limutin ka?


Ang sabi ko dati, willing akong maghintay kahit forever, pero sadya nga yatang napakahaba ng forever at hindi ko na mahintay. Mahal kita. No! Mahal na mahal as in sobrang love kita pero sabi nila mahalin ko naman daw ang sarili ko. Kailangan ko din daw igalang 'yong magiging future wife mo (ouch!) at itigil na ang ilusyon na ito. I intend to find my happiness and ngayon unti-unti na nagsi-sink in sa utak ko na hindi ikaw ang magbibigay ng happiness na 'yon, even if you're the only man I have ever loved this way. Love shouldn't make you happy dahil dapat bago ka magmahal, you are already a complete person and that alone should make you happy.


One day, I know magmamahal din akong muli and I want to be ready and prepared when that day comes. For the meantime aayusin ko muna ang sarili ko and enjoy my singlehood and life to the fullest. I know you, too , will love again (maaari ngang in love ka na nagyon sa kung sino mang babaeng pinili ng puso mo) and sana gaya ng prayer ko, maging masaya din na gaya ko.


And one day when our paths cross again, ready na kong sabihing "Minsan, minahal kita at dahil doon, naging mas mabuti akong tao. Mas naging masaya ang buhay ko."
Re: My attempts at writing
Post on Wed Nov 03, 2010 3:51 am by carmilina
tama lang janis..tama lang..napagod ka na din...
Re: My attempts at writing
Post on Wed Nov 03, 2010 2:23 pm by mecca
wow ang galing nman ni janis!!! cheers cheers cheers

buti kp may talent sa pagsusulat khit poem at short story!!!

ako i tried it once, hnd na naulit!!! [You must be registered and logged in to see this image.] [You must be registered and logged in to see this image.] [You must be registered and logged in to see this image.]

napiga ko ata lhat ng natatagong creative juices ko dun!!! [You must be registered and logged in to see this image.] [You must be registered and logged in to see this image.]

di bale next tym nlang ulit... pag sinipag!!!! [You must be registered and logged in to see this image.] [You must be registered and logged in to see this image.] [You must be registered and logged in to see this image.]

(kelan kya un???)
Re: My attempts at writing
Post on Thu Nov 04, 2010 4:54 pm by janis
Thanks naman mecca!!!

Hahaha...talent nga ba? Grabe yan, pinagtatawan ako ng mga friends ko kc nasa blog ko talga yang mga yan sa blogspot. Grabe din there was a time nagkaroon ng mga followers yan...hehehe..inaabangan nila ung mga love letters ko kay Jo.Me.

hehehe
Laughing
Re: My attempts at writing
Post on Fri Dec 10, 2010 1:23 am by janis
Dear Santa,


Merry Christmas!


Puwede ba akong mag-wish ng marami?


Akala ko kasi dati totoo ka,nag-e-exist. Sabi kasi ni Florante lagi ka daw naririto, minamasdan ang ugali namin, tapos magpapakita ka tuwing Pasko para ibigay ang mga aguinaldo nammin. Reward kumbaga. Kaya nga pinilit kong maging mabait. But then I realize, hindi ka naman pala totoo.

Ngayon matapos ang magta-talong dekada na nabuhay ako, ang dami nang nagbago. Dati naniniwala akong nag-e-exist ka kahit hindi naman. Ngayon alam kong hindi ka nag-e-exist pero umaasa akong sana nga totoo ka na lang. Talk about one of life's greatest ironies!

Matagal pa naman po ang Christmas kaya sana po ma-prepare ninyo ang mga gifts ninyo sa akin. Uumpisahan ko na po:

1. Puwede po bang ibalik ako sa pagkabata? Nakakamiss po kasi. Life was so simple then. Walang problema, walang komplikasyon. Lahat ng bagay ay simple at madali.

2. Puwede po bang bantayan ninyo nang mabuti ang pamilya ko? Kasi nakakapagod din po palang mag-alaga. Minsan sana puwedeng humingi ng time out, puwedeng humingi ng break. Kapag hindi ko na po kaya, pakisalo sila.

3. Puwede po bang gawing manhid ang puso? Kahit ilang months lang? Kasi po ang tagal tagal ko nang nagmamahal, nasasaktan pero ayaw po kasing paawat. Nakakapagod din po kasing magmahal, masasaktan, umasa, maghintay. Tapos naghihintay naman pala sa wala.

4. Puwede po bang ma-inlove naman ako sa iba? (hehehehe) Kasi po sa loob ng mahabang panahon, hindi po ito nangyari eh. Bakit po ba siya pa rin? Bakit po ba hindi ako nagsasawa? Bakit po ba ako ganito? Hindi ko na hihilinging making akin siya kasi po kahit ang Diyos alam kong hindi kayang i-grant iyon.

5. Puwede po bang imulat ninyo nang maigi ang mga mata ko? Hindi ko po alam why whenever I'm out and meeting people, it's as if I'm wearing blinders. Iyon po bang isinusuot ng kabayong humihila ng kalesa para hindi ma-divert ang attention nito. Kasi po kahit milyun-milyong lalaki po ang nakikita ko, hindi ko po talaga sila nakikita for real. Ang gulo po, ano? Na-gets ninyo po ba?

6. Kung hindi ninyo po iga-grant ang wishes 1-5 ko, puwede po ba itong number 6 na lang? Gusto ko po ng maraming Pera. Limpak-limpak. Umaapaw. Liglig. Salapi. Anda. Moolah. Munar. Money. Andalucia copper. Kapag nagkaroon po ako nang marami nito, promise, hindi ko na po iisipin ang iba ko pang wish. You could scrape them all!

Thank you po!


Nagmamahal,
(Ang original Drama Queen)
Janis


P.S.
Siya nga po pala, nagpalit po ako ng SIM last year pero Globe pa din po ako. Paki-text na lang po ako kung may update. Puwede din pong i-e-mail or PM ninyo ako sa Facebook. Teka lang po, in-add ninyo na po ba ako?
Re: My attempts at writing
Post Today at 8:05 am by Sponsored content
 

My attempts at writing

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Bookworm's Hub :: Aspiring and Guest Author's Lounge :: The Freelance Writer Corner-
Jump to: