Dear Diary,
Yehey! Nakapagsulat ulit ako sayo, dear diary. Napudpod na kasi yung lumang lapis ko at wala din akong pantasa. Di din ako nakabili ng bagong lapis dahil wala akong sariling pambili. Buti na lang binigyan ako ni Kuya Toto ng konting pera. Kaya heto ulit ako ngayon.
Musta ka na ba ha? Ako eto busy pa din. Busy sa pagbibilang ng butiki at sapot ng gagamba. Hay, dear diary, nasasawa na ako sa ganito. Kelan ba magbabago ang buhay ko?
Kanina pala, dear diary, nanuod kami nina nanay ng laban ng mga Mongols at Azkols sa tv. Nagtataka lang ako dear diary, bakit ba nila pinag-aawayan yung bola? Sipa sila ng sipa tapos pati mukha ng iba minsan nasisipa na nila.
Nagpapagod lang sila di ba?
Pero sa kabila nun nakikita ko yung determinasyon sa mga mukha nila na manalo sa laban.
Tapos yung mga tao eh apektadong apektado talaga sa laro.
Bawat hagis ng bola, bawat sipa at bawat salo ay buong puso nilang ginagawa.
Ang lahat ng pagod nila ay napapawi pag nakuha nila ang minimithing, anu tawag dun? Goal ata yun.
Buti pa ang larong football, may goal sa buhay. Alam nila ang target na dapat makuha.
May layunin.
May direksyon.
May pupuntahan.
Parang buhay din ng tao, dear diary...
Wed Mar 16, 2011 3:22 pm by ladymoonrose