Do you love Reading? You are in a right place with us. Register and join book talks on our Bookworm hub.
 
HomeFAQRegisterLog in

My Short Stories

View previous topic View next topic Go down
Author Message
Renjane Seymour
Book Collector
Book Collector


Aquarius Female
Humor : hindi baleng maitim maputi naman ang eye balls
Registration date : 2012-01-10
Points : 2015
Reputation : 0

PostSubject: My Short Stories Thu Aug 02, 2012 12:01 am

Sharing you short stories cramming my head but could not turn it into a tangible novel. The stories can also be seen on my Facebook Notes but I'm posting them here for our BWR readers.
Back to top Go down
http://renjaneseymourtalesoflove.webs.com/
Renjane Seymour
Book Collector
Book Collector


Aquarius Female
Humor : hindi baleng maitim maputi naman ang eye balls
Registration date : 2012-01-10
Points : 2015
Reputation : 0

PostSubject: Re: My Short Stories Thu Aug 30, 2012 4:17 pm

My second entry is entitled ISTARBAKS. Nights before I was haunted by the image of a mocha frapuccino which is my personal favorite eversince and my mind started to come up with a story. I hope you all enjoy this!

so here goes
!


It was just another lazy Sunday afternoon and I was sitting again at my favorite spot sipping from the cup of my Latte. Kailangan mag-relax. May pasok na naman bukas at tiyak na maiis-stress na naman ako. Saan pa nga ba magandang gugulin ang nalalabing oras na katulad nito galing sa pag-stroll sa mall? Sa Starbucks Coffee, of course!

Ayoko naman kasi mags-stay sa bahay dahil ang pangungulit na naman ni Mommy ang maririnig ko maghapon. Mag-aaway lang kami. Saka ipipilit na naman niya sa aking ipakain ang recipe niyang biko. Great!

Aside from the killer boredom and avoidance, what else brought me here again really? The reason was simple, to eye on another prospect to my neverending search for Miss Right. Jill, my girlfriend for three months just broke up with me a couple of days ago. Who cares? Dito rin sa lugar na ito ko siya nakilala and I'm damn sure I can meet girls her type many times over better. Mukhang mayaman at trendy, iyon ang mga katangiang gusto ko. The hell with her personality! Ang importante walang masasabi ang mga kaibigan ko sa kartada ng bago kong syota.

Si Daniel yata ito! Hindi pa ako nagmimintis. Sanay na akong makipagbolahan sa mga babae. Ewan ko ba. Or maybe what's been considered as the world's best coffee does all the trick. Actually, may natitipuhan na ako and she was just across the table too busy doing something on her laptop. She must be checking on her facebook or twitter perhaps. Ganoon naman lagi. Pero hindi nakalusot sa akin ang pasulyap-sulyap niya. Maya lang ng konti ay popormahan ko na ito.

Teka! Bakit bigla akong kinabahan? Ngayon pa yata ako babahagan ng buntot. Makapag-yosi nga muna sabi ko sa sarili ko. And so I went outside to light a cigarette. I realized all the more how great a day that was. Kahit ang mga tao sa paligid ko ay nasa mode ng pagmumuni-muni. I've been standing there for minutes when a loud, piercing voice caughtmy attention.

Shoot! Ang ingay naman nitong batang ito. I turned around to check on the commotion. The little girl, must be aged eight was arguing with the guard to let her in which I doubt dahil sa itsura niyang iyon na madumi ang damit at basa sa pawis, ay tiyak na kagagalitan ang guwardiya kung papasukin siya nito.

"Sandali lang po, Kuya. Bibili lang apo ako ng kapeng may ice cream sa ibabaw!" I heard her clearly from where I was standing and I couldn't help but burst into laughter with what she said. Whipped cream iyon hindi ice cream! I wanted to tell the kid.

"May pera ka ba? Baka manlilimos ka lang dito? Bawal iyon dito!" the guard said.

The girl took out a bag of coins from her getting languid pocket and showed it to the guard. (Sa plastic ng yelo pa yata nakalagay!) Her eyes were full of arrogance and pride as if telling; "May pera ako ugok!"

I saw that kid before. Ah! she must be the girl selling rice cakes in the morning near the pedestrian overpass! Ang kulit nitong batang ito! hindi ka titigilan at haharangin ka pa minsan bumili ka lang sa kanya ng kakanin. Mukhang naka-quota sa benta, may pang-Starbucks!

Kahit mapilit ang bata ay hindi pa rin ito nanalo sa mas naninindigang guwardiya. Naawa tuloy ako sa pobreng bata. Samahan ko kaya? Naisip ko. So I puffed for the last time and threw the butt to the ground and rushed towards them.
"Excuse me, ano ba iyon bata?" tanong ko na kunyari ay hindi ko alam ang pakay nito.

"Eh Mamang Pogi, bibili lang naman ako ng kapeng may..." I halted her from finishing her sentence dahil malamang matatawa na naman ako.

"Ganoon ba?" wika ko sabay pukol ng tingin sa guwardiya." Boss samahan ko na lang siyang bumili sa loob, ok lang naman iyon siguro? Lagi naman ako dito e." Sa sinabi kong iyon ay hindi na nakapalag pa ang guwardiya. Kung kasama
nga naman ako ay hindi na naman siguro gagawa ang paslit na iyon ng kahit anong gulo.

"Sige, Sir. Kayo na po bahala sa batang iyan." ani ng guwardiya.

Tuwang-tuwa ang bata nang pumayag ang guwardiyang makapasok siya sa loob kasama ako. She even barged inside ahead of me and again, with pride, she approached the counter and made an order.

"Pabili nga ng kapeng may..."

"Can I have the menu, please?" wika ko. I cut through her introduction just so we won't fall short as the laughing stock of the century. The lady at the counter gave me the menu and I immediately pulled the kid towards the nearest table.

"Bata, magkano ba ang pera mo?"

"Singkuwenta!"

Kulang na kulang iyon sa isip-isip ko. Lilikha talaga siya ng gulo kung nagkataon. I shared her the menu and her eyes overtly widened in delight as she saw the Mocha Frappuccino. May point ang batang ito, mukha ngang ice cream iyung whipped cream along with chocolate syrup.

"Ito iyon!" she exclaimed.

"So, bibili na ako?"

"Sige!" wika niya sabay abot ng pera niyang may bills na kaunti pero the rest ay puro barya.

Hindi ko iyon tinangap.

"Mamaya na lang." imbes na sabi ko.

I went back to the counter to order and to return the menu as well. I gave the lady my name to call whenever our order was ready. Bago ako tuluyang bumalik ay napansin ko ang masarap na chocolate muffin mula sa estante. The kid would be love to try one of those. Baka gutom na din kasi siya. I added some to our orders.

Maliwanag pa din ang mukha ng bata nang makabalik ako sa table na inokupa namin. Nagustuhan niya din siguro ang lamig ng aircondition sa loob hindi tulad sa puwesto nila na bilad lagi sa initan. Naisipan kong kausapin siya habang hinihintay ang order namin.

"Ako nga pala si Daniel. Ikaw anong pangalan mo?"

"Ako si Tetet."

"Alam ba ng Nanay mong narito ka? Baka hinahanap ka no'n?"

"Hindi. Hindi ko sinabi."

Biniro ko siya.

"Bakit? Siguro kinupit mo lang ang pambili mo ano?"

She shook her head in denial like she was being investigated.

"Hindi a. Inipon ko iyan mula sa pagba-barker ng FX! Akala mo!"

I felt a sense of adoration towards her. Bata pa lang marunong ng kumita ng pera. Marunong ng mag-ipon. Samantalang ako, walang habas kung gumasta sa walang kapararakang bagay kaya hindi makaipon ng matino. Daig pa ako nitong si Tetet.
Maya-maya ay nagsalita siyang muli. "Ano kaya lasa ng kapeng may ice cream? Iniisip kasi namin iyon."

"Tetet, hindi iyon ice cream, whipped cream iyon."

"Ahhh..."

Minutes after, I heard my name being called out. Ready na ang order namin. Pagkakuha ko ay agad kong iniabot ang kapeng may ice cream este whipped cream at ang supot na naglalaman ng muffins.

Sinubukan niya akong bayaran pero tumanggi ako.

"Sa iyo na iyan. Kung gusto mo ulit bumili, sabihin mo Mocha Frap, ok! Kainin mo na agad iyan para mabusog ka."

Sinabi ko pa rin iyon kahit ako man din ay dudang makabalik siyang muli doon.

"Moka Prap!" inulit niya." Hindi ko puwede inumin ito! Sige! Salamat ha!" pagkasabi nito'y tumalilis agad ito ng takbo palabas.
She left me there wondering why she never took a sip at the coffee given she was so eager to buy it. Na-curious tuloy akong habulin siya. At iyon nga ang ginawa ko. Dahil Linggo at hindi abala ang kalye natanaw pa rin siya ng mga mata ko. Sa liit ng mga hakbang at sa takot na madapa at tumapon ang kape ay madali ko siyang naabutan. Pero siyempre ayaw kong pahalata na sinundan ko siya so I kept my tailing discreet. My feet took me to the pedestrian overpass where she kept her post selling rice cakes. Hindi nga ako nagkamali.

I stopped a few steps away from them. Nanlambot ko sa aking nakita kung kanino pala ang binili niyang kape na pinag-ipunan niya ng matagal.

Para pala ito sa kanyang pagod na ina.

I saw Tetet handed the coffee and the bag of muffins to her mother who was busy attending customers under the heat of the sun. Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina. Nagyakap sila. Siguro ay ito ang sinasabi niya na nag-iisip kasama niya kung ano ang lasa ng kapeng malamang na madalas na makita ngunit hindi naman mabili. Dahil sa ginawa nito para sa ina ay mapapawi ang uhaw at pag-asam sa ninanais na kape.

Pero maya-maya ay tila nagtanong ang mga mata ng kanyang ina. Siguro ay iniisip nito kung saan ito galing. Ang mahal kaya ng kapeng iyon para sa kanilang nagtitinda lamang sa bangketa! Bigla ay tumuro si Tetet sa direksyon na kanyang pinanggalingan. Nakita tuloy niya akong nakatayo sa may likuran nila. Itinuro na rin niya ako sa kanyang ina. Lokong bata talaga, baka sinabi nitong ako ang bumili niyon para sa kanila upang huwag siyang kagalitan. Tumungo ng pagbati ang kanyang ina sa akin na may ngiti sa labi.

Gumanti ako ng ngiti at lumakad na palayo. Sa aking paglalakad, it occured to me, naibili ko na ba ng Starbucks ang Mommy ko? Siguro kaya hindi magtagal sa akin ang mga babae ay dahil hindi ako marunong magpahalaga sa kanila. Napagtanto ko na hindi naging kasidhi ang pagnanais kong mapaligaya ang mga babaeng dumaan sa buhay ko katulad ng ginawa ni Tetet sa kanyang Ina. Sabi nga nila kung paano mo tratuhin ang iyong ina ay gayoon ka din sa iyong mapapangasawa.

My search for Miss Right finally paid off, right in some way. Sa katauhan ng isang batang paslit na si Tetet. I've met my girlfriends there, fell in love, and lost. But only she taught me the best lesson how to start with it. Start with your Mom. Ang weird no?

While I was so deep in thought, I felt a slight pulling on my pants. Tiningnan ko iyon. Si Tetet pala na may dalang plastic na may laman na kung ano.

"Kuya Daniel, bigay ng Nanay ko! Bigay mo din daw sa Mama mo sabi ng Nanay ko. Sarap iyan!"

And she ran back to her mother.

I opened the plastic bag and saw thick slices of biko. BIKO! Napangiti ako. Lalo kong naalala si Mommy. Makauwi na nga at baka mapanis.

Daan muna ako sa Starbucks. Mas mag-eenjoy siguro si Mommy kung may kapares na Mocha Frapuccino ang kanyang paboritiong biko.
Back to top Go down
http://renjaneseymourtalesoflove.webs.com/
Renjane Seymour
Book Collector
Book Collector


Aquarius Female
Humor : hindi baleng maitim maputi naman ang eye balls
Registration date : 2012-01-10
Points : 2015
Reputation : 0

PostSubject: Re: My Short Stories Wed Sep 26, 2012 10:38 am

Hello Bookworms!

I deleted my other short story entitled Dear Father (A Daughter's Sonnet) for the meantime but I will repost it soon. Salamat po doon sa mga nakabasa na sa kanya.

Jane
Back to top Go down
http://renjaneseymourtalesoflove.webs.com/
Sponsored content




PostSubject: Re: My Short Stories Today at 7:33 pm

Back to top Go down

My Short Stories

View previous topic View next topic Back to top
Page 1 of 1

Permissions in this forum: You cannot reply to topics in this forum
Bookworm's Hub :: The BWR Publishing Desk :: BWR Authors Hub :: RENJANE SEYMOUR -