Do you love Reading? You are in a right place with us. Register and join book talks on our Bookworm hub.
 
HomeFAQRegisterLog in

Share | 
 

 Sneek Peek: Marco Antonio Mondego

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Guest
Guest



20101229
PostSneek Peek: Marco Antonio Mondego



“Bilisan mo riyan Paloma. Magagalit na naman si Senyora kapag hindi mo natapos iyan.”

“Opo Nana. Patapos na po.”

Nasa veranda si Marissa nang hapon na iyon upang abangan ang mga pamangkin na namamasyal sa bukirin. Karaniwan na niyang ginagawa ang magpalipas nang oras sa veranda. Hindi lamang upang maghintay sa mga pamangkin, kundi na rin masdan ang trabaho nang mga kanilang mga pesante at muchacha.

Tulad na lamang ni Paloma.

Masipag naman si Paloma at malinis magtrabaho. Makintab ang sahig na alaga nito sa punas at paglalampaso.

Hindi na niya kailangan pang bantayan ito kung tutuusin. Nais niya lamang tanuran ito sa pagta-trabaho bilang bahagi ng disiplina.

Ugali na nang mga pesante ang magsamantala. Kung hindi siya tatanod, marami sa mga ito ang hindi gagawa nang maayos na trabaho.

“Muchacha, hindi ka pa tapos.” Habol niyang utos kay Paloma na patalikod na sana.“Punasan mo ang mga balustre dito sa veranda. Hindi ako kontento sa linis mo kanina.”

“O-Opo Senyora.”

Minamasdan niya ang kilos nang muchachang napulot ni Rosangelica. Hindi niya alam kung mapapahanga siya o maiinis sa ugali nang kanyang pinakamamahal na pamangkin. Maliit lang ito, mahilig talaga itong mamulot ng nawawalang tuta o yayat na kuting sa kalye.

Hanggang sa pagdadalaga ng kanyang pamangkin ay nadala nito ang ganoong kaugalian.

Heto at nagdala ng isa pa. Nakilala ito ni Rosangelica sa simbahan. Nais daw nitong mamasukan. Pinagsisimulan nga nila nang away na mag-tiya ang estrangherang ito.
Gaya noong isang araw.

Nahuli niya itong nakikinig sa usapan nila ni Alejandro tungkol sa pagpapadala sana nito kay Rosangelica sa kumbento.

Nagalit siya rito at tinuruan ng leksyon. Subalit kaagad naman na pinagtanggol ito ni Rosangelica.

Mula noon ay dumistansya na siya rito. Ayaw niyang pagsimulan pa ang walang kuwentang muchacha nang away nilang mag-tiya.

Tinutulan niya ang pagkupkop ni Rosangelica sa pobrecita. Dahil anong malay ba niya kung isa lang itong mapagpanggap. Maaring nagmamanman lamang ito kung ano ang maaring makuhang tsismis sa loob ng kanilang bahay. O di kaya naman ay isang babaeng naghahanap ng oportunidad.

Biyudo pa naman ang kanyang Kuya Alejandro. Maaring isa na naman ito sa dinami-daming babae na nag-aanyong tagasilbi upang makahanap ng pagkakataong makasilo nang mayamang biyudo.

Marami na kasing babae ang nagtangkang sumilo sa kanyang kapatid na biyudo. Sa kabila ng may dalagang anak ang kanyang Kuya, matikas pa rin ang katawan nito at napakaguwapo. Siyempre napakayaman nito.

Mga babaeng nagtatago sa inosenteng mukha at kunwari’y kapos sa buhay.
Anong akala nito? Hindi niya basa ang iniisip nito? Na hindi nagdududa dito? Na maniniwala siya sa inosenteng pinapakita nito?

Maganda si Ana Paloma. Makinis ang balat nito May ginituang buhok nito. Mukha itong manika. Mabibilog ang mga matang pinatingkad pa ng malalantik at makapal na pilik.
Marahil ay anak nang dayuhan sa isang Pilipinang tagabigay ng aliw.
Mapapagkamalang anak ng Buena familia kung bibihisan lamang ito ng magagandang bestida.

Hindi naman sa paghuhusga, ang mga katangian nito ay mga katangian nang mga babaeng oportunista. Mga babaeng ginagamit ang hitsura para makaahon sa buhay.
Napaismid siya nang masdan ang pigura nito. Kaakit-akit at sariwang-sariwa. Kahit buntis.

Iyon ang isa pang dahilan kung bakit nais niyang magduda. Bakit ito dalagang ina? Nasaan ang lalaking nakabuntis rito? Bakit hindi ito pinakasalan?
Hindi naman siya makapagtanong ng diretsa. Dahil baka makatunog itong nag-iimbestiga siya. Nais niyang umakto lamang na senyoritang istrikta lamang sa pa-trabaho.

Kung may plano itong sumilo ng biyudong mayaman na aahon rito sa hirap at umako sa bastardo nito, puwes hahadlangan na niya habang maaga.

“Akyatin mo yung sabitan ng halaman.” Itinuro niya ang itaas nang balustre sa balkonahe. “Ibaba mo ang mga nakasabit na paso ng aking orkidyas. Padidiligan ko ‘yan mamaya.”

Nakita niyang nag-atubili ito. She frowned at her. “O bakit?”Alam niyang may itinatakbo ang isip nito. Ha! Namimili nang trabaho?

“W-Wala po. Gagawin ko na po.” Kinuha nito ang kahoy na upuan at inilagay sa balkonahe ng veranda. Kumuha pa ito nang isa bilang sibling patungan sa bawat maliliit na pasong makukuha nito.

“Senyora, baka po mahulog si Paloma. Buntis pa naman po siya.”
Pinandilatan niya si Sefa. Ang isa pang katulong na anak ni Nana Cela. “Kaya niya ‘yan. Kung gusto mo, ikaw na lang kaya?”

Namutla naman ang pobrecitang si Sefa. “Takot po ako sa mataas na lugar. Balkonahe po ‘yan, baka mahulog ako sa ibaba.”

Inirapan niya ito. “Iyon naman pala.” Binalingan niya si Paloma. “O kung hindi mo kaya, tawagin mo si Bestre.”

“K-kaya ko po. Hindi naman po ako matatakutin sa mataas na lugar.”

Napaangat ang kilay niya. Puwes subukan nga.

Umakyat ito sa bilog na upuan. Hindi pa naman masyadong halata na buntis ito. Maliban kung mapapalapat ang bestida sa tiyan nito’y saka lang matatanto na nasa maselan itong kalagayan.

Mabilis itong kumilos. Palagay niya’y magiging maayos pa rin itong mag-trabaho kahit lumaki pa ang tiyan nito hanggang kabuwanan.

Siya nga noong buntis rin siya, mapadlis pa rin ang kilos niya. Kahit sumapit ang kabuwanan niya.

Teka, bakit ba niya naisip ang mga bagay na ‘yon? Pinalis niya ang isipin na iyon sa kanyang utak.

Mabilis nitong naibaba ang paso ng orkidyas. Ipinatong nito iyon sa katabing upuan kung saan nito iyon hinila bago inakyat ang mga halaman.

Napaangat ang kilay niya nang tila walang anuman rito ang mga iniuutos niya.
Hmm… sinusubok niya lang ito kung tutuusin. Pero hindi naman siya ganoon katigas para hindi mapahanga.

Bihira ang babaeng ganitong may kumpiyansa sa kabila nang maselan na kalagayan.
Naubos na ang hilera nang halaman sa balkonahe. Pababa na ito pero lahat sila’y napagibik nang luminsad ang paa nito sa upuan.

“Paloma!”

Bago pa mahulog ang katawan nito sa matigas na sahig ay naroroon agad ang sumabot rito. Walang iba kundi si Marco Antonio Mondego.

“Paloma, nasaktan ka ba?”

Umiling ito sa mapanuring si Sefa. “W-Walang anuman ito. Nawalan lamang ako ng balanse pagbaba ko.”

“Mabuti hindi ka nahulog sa balkonahe. Teka ikukuha kita nang tsaang pampakalma. Namumutla ka.”

Bago pa niya tutulan ang intrimitidang si Sefa ay nakatalikod na ito.

“M-Maayos na ako, Senyor. Maari mo na akong pakawalan.”

Napaangat muli ang kilay niya sa pagkakayakap ni Marco Antonio sa muchacha. Sinabi na nang muchacha na pakawalan na ito, pero nakayakap pa rin si Marco.

“Nais ko lamang makatiyak kung nasaktan ka.”

“Hindi Senyor. Walang anuman ito. Salamat sa iyong pagtulong. Marami pa po akong trabaho.”

Nagmamadali itong kumawala sa binata.

“Hayaan mo na siya, hijo.” Binalingan niya si Paloma. “Sumunod ka kay Sefa sa kusina. Uminom ka ng tsaa. Tulungan mo na lang sila sa pagluluto mamaya ng putahe para sa tanghalian.”

“Opo Senyora.”

Nang makatalikod na ang muchacha’y nagtataka siyang binalingan ang binatang panauhin. Isa rin itong estranghero kung tutuusin. Hindi niya ito lubos na kilala. Dumating ito kasama ang kapatid nitong si Miguel Paolo mula sa Estados Unidos.
Mga pinagkakatiwalaang mamumuhunan ito nang kanyang Kuya Alejandro.
Si Miguel Paolo ay napipisil ng kanyang Kuya para kay Ana Gisella. Samantalang si Marco Antonio naman ay ninanais niyang ipares kay Rosangelica.

Pero alam niyang may ugali si Rosangelica na hindi pinangungunahan.
Magkaganoon pa man, gagawa pa rin siya ng paraan upang mapalapit ang dalawa.
Back to top Go down

 Similar topics

-
» Pokemon 5th Generation Sneak Peek!
» [Card Review Article] Card Sneak-a-Peek: XX-Saber Darksoul
» [Card Review Article] Card Sneak-a-Peek: Herald of Perfection
» Mexican Mariachi singer Antonio Aguilar dies at 88
» ♥ LETS GIVE IT UP FOR DOMINIC MARCO ♥
Share this post on: Excite BookmarksDiggRedditDel.icio.usGoogleLiveSlashdotNetscapeTechnoratiStumbleUponNewsvineFurlYahooSmarking

Sneek Peek: Marco Antonio Mondego :: Comments

Re: Sneek Peek: Marco Antonio Mondego
Post on Wed Feb 09, 2011 10:49 am by norshey
Very Happy ang ganda neto...tulad ng iba pang novel ni ms. crystal!! ang galing!! ^_^
Re: Sneek Peek: Marco Antonio Mondego
Post on Sun Jun 24, 2012 12:01 am by gulliblegal09




wow!! meron uli bago.. excited sana malapit na
Re: Sneek Peek: Marco Antonio Mondego
Post on Sat Aug 25, 2012 1:43 pm by jezhime
excited sana mabasa ko na ito!! galing ms crystal Smile
Re: Sneek Peek: Marco Antonio Mondego
Post on Mon Sep 03, 2012 8:08 am by jandi2212
wow! excited na kong makabasa. Smile)
Re: Sneek Peek: Marco Antonio Mondego
Post Today at 7:36 pm by Sponsored content
 

Sneek Peek: Marco Antonio Mondego

View previous topic View next topic Back to top 

Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Bookworm's Hub :: The BWR Publishing Desk :: BWR Publishing Bulletin Board-
Jump to: